TEAM TARUB

Cards (13)

  • MORALISTIKO
    Sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit, pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda
  • SOSYOLOHIKAL
    Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan
  • SIKOLOHIKAL
    Makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda
  • FORMALISMO
    Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkabuo, kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda)
  • IMAHISMO
    • Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa
    • Larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda
    • Mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa
  • HUMANISMO
    • Ang tao ang sentro ng daigdig
    • Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay
  • MARXISMO
    • Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at mahina mayaman at mahirap
    • Kapangyarihan at naaapi
  • ARKETIPO / ARKITAYPAL
    • Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda
    • Nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda
  • FEMINISMO
    • Maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda
    • Maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan
  • EKSISTENSYALISMO
    • Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan
    • Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan
  • KLASISISMO
    • Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri
    • Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan
    • Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan
  • ROMANTISISMO
    • Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas
    • Pagtakas mula sa realidad o katotohanan
    • Nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa
    • Mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan
  • REALISMO
    • Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay
    • Pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon
    • Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno