PagPag

Cards (74)

  • Richard Anderson et al. (1985)

    Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto
  • Kompleks na Kasanayan 
    habang tayo ay nagbabasa nang nagbabasa ay napapalawak ang ating kaalaman at kasanayan
  • Imbak na Kaalaman
    ang mga binabasa natin ay nanatili sa utak at nagagamit natin
  • Mahalaga ang interaksiyon sa pagitan ng teksto at mambabasa na hinuhulma ng mga paniniwala, kaalaman, at karanasan ng mambabasa at ng kultural at panlipunang kontekstong kinalalagyan niya.
  • Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
  • Intensibong Pagbasa ayon kay Douglas Brown (1994)

    * Estratehiyang zoom lens o malapitan at malalimang pagbasa sa isang akda
    * Hinahanap ang tamang gramatika, pagbuo ng pangungusap, at tinitingnan ang estruktura
  • Ekstensibong Pagbasa ayon kay Long & Richard (1987)

    * Masaklaw at maramihan
    *Maraming babasahin na ayon sa kaniyang interes
    *Pangkalahatang pang-unawa sa maramihang bilang ng teksto
    *Makuha ang gist o esensiyal at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuonan ng pansin ang mga salitang Malabo o hindi alam ang kahulugan
  • Scanning
    pagkuha ng espesipikong impormasyon
  • Skimming
    kahulugan ng kabuoan
  • Antas ng Pagbasa ayon kay Montimer Adler at Charles Van Doren (1965)

    Antas Primariya
    Antas Inspeksiyonal
    Antas Analitikal
    Antas Sintopikal
  • Antas Primariya
    • Literasi, tiyak na datos 
    • inaalam sino ang tauhan, panahon, lugar sa kuwento, sino ang nagsulat
  • Antas Inspeksiyonal
    • Naunawaan ang teksto, nakapagbibigay hinuha.
    • ano ang gusto iparating ng kuwento?
  • Antas Analitikal
    • Mapanuri o kritikal (Katumpakan, kaangkupan, & katotohanan/opinion.)
  • Antas Sintopikal
    Koleksiyon ng paksa (Paghahambing, Eksperto)
  • Hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa
    *pagsisiyasat
    *asimilasyon
    *mga tanong
    *mga isyu
    *kumbersasyon
  • Bago magbasa
    Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin. Mahalagang masuri ang panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang etratehiya na gagamitin sa pagbabasa
  • Previewing o Surveying
    Sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat
  • Habang Nagbabasa
    Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng prosesong pampag - iisip. Pinapagana ang iba't ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto.
  • Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
    iba’t-ibang stratehiya (alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa impormasyon sa teksto)
  • Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
    • binabago batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan; madaling maunawaan = isang beses at mabilisang pagbasa at kapag mahirap maunawaan = inuulit at mabagal na pagbasa
  • Biswalisasyon ng binasa
    imahe sa isipan mula sa binasa at imbak na kaalaman
  • Pagbuo ng koneksiyon
    tiyak na komprehensyon mula sa pagpapayaman ng ugnayan at imbak na kaalaman
  • Paghihinuha
    • bumuo ng pahiwatig at kongklusyon na kalalabasan
  • Pagsusubaybay sa Komprehensyon
    pagsangguni sa diksyunaryo o ibang aklat kapag may hindi naintindihan na salita
  • Muling Pagbasa
    kinakailangan kapag hindi ito maunawaan
  • Elaborasyon
    Ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya mula sa tektsto
  • Organisasyon
    Ang pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba't ibang bahagi ng impormasyon sa teksto.
  • Biswal na Imahen
    Ang paglikha ng mga larawan sa isipan habang nagbabasa.
  • Pagkatapos Mabasa
    Upang maipagpatuloy ang malalim na pag - unawa at pag - alala sa teksto kahti natapos na ang proseso ng pagbasa.
  • Pagtatasa ng Komprehensyon
    pagsagot sa iba’t-ibang tanong tungkol sa binasa 
  • Pagbubuod
    natutukoy ang pangunahing ideya at detalye sa binasa
  • Pagbuo ng Sintesis
    pagbibigay ng perspektibo ng teksto at pagtingin ng manunulat batay sa pag-unawa
  • Ebalwasyon
    tinutukoy ang halaga at ugnayan ng teksto sa layunin
  • Katotohanan
    Mga pahayag na napatunayan o napasubalian na sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon
  • Opinyon
    Mga pahayag na napatunayan o napasubalian na sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon
  • Layunin
    • Ito ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.
    • Uri ng diskursong ginamit sa pagpapahayag.
    • Suliranin o pangunahing tanong ng akda.
  • Pananaw
    • Distansiya ng manunulat sa paksang tinalakay.
    • Ang panauhan ng teksto ay maaring makapagbigay ng ideya.
    • Maaring unang panauhan o nasa ikatlong panauhan.
  • Damdamin
    • Pahiwatig sa pakiramdam ng manunulat.
    • Nagpapahayag ito ng ligaya, tuwa, galit, tampo o matibay na
    • paniniwala.
    • Maaring maging pakiramdam ng mambabasa.
  • Parapreys
    • Muling pagpapahiwatig ng mga ideya ng akda.
    • Upang matukoy ang pangunahing ideya
  • Abstrak
    • Buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang kumperensiya.
    • Mapabilis makita ang kabuoang kaalaman ng pananaliksik.
    • Presi o sinopsis.