Sektor ng ekonomiya na salat o walang pormal na dokumentongkailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya
Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%
Katangian ng Impormal na Sektor
Hindi nakarehistro sa pamahalaan
Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita
Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo
Impormal na sektor
Paraan ng mga mamamayan upang magkaroon ng kabuhayan o dagdag na kita sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan
Iba't ibang Anyo ng Impormal na Sektor
Gawaing maaring isakatuparan sa loob lamang ng tahanan
Gawaing pansibiko, kawanggawa at panrelihiyon
Mga sari-sari stores, pagtitinda sa sidewalk, paglalako ng kalakal at serbisyo
Ilegal na gawain tulad ng pagnanakaw, piracy at prostitusyon
Kahalagahan ng Impormal na Sektor
Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi makapasok bilang mga regular na empleyado sa isang kompanya
Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino na makapaghanapbuhay
Nagsisilbi itong tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan
Malaki ang naitutulong sa mga konsyumer ang mga kalakal at serbisyong mula sa impormal na sektor dahil sa mura nitong halaga
Dahilan ng Impormal na Sektor
Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan (bureaucratic red tape)
Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos
Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan
Malabanan ang matinding kahirapan
Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya
Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawassa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis
Banta sa kapakanan ng mga mamimili - Ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan
Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa mga gawaing ilegal o labag sa batas
Ang impormal na sektor ay sektor ng ekonomiya na salat o walang pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya
Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP)
Ang mga katangian ng impormal na sektor ay hindi nakarehistro sa pamahalaan; hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita; at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo