kalakalang panlabas

Cards (20)

  • Kalakalang Panlabas
    Tumutukoy sa pakikipagkalakalan ng isang bansa sa ibang bansa
  • Walang bansa ang maaring makatugon ng lahat kanyang pangangailangan sa hilaw na sangkap, yamang tao, likas na yaman at iba pa ng walang tulong mula sa ibang bansa
  • Absolute Advantage
    Ang isang bansa ay masasabing may absolute advantage sa pagprodyus sa isang kalakal kung nakakalikha ito ng mas maraming bilang ng produkto gamit ang mas kaunting salik ng produksyon kumpara sa ibang bansa
  • Pilipinas may absolute advantage sa produksyon ng kape
  • Thailand may absolute advantage sa produksyon ng bigas
  • Comparative Advantage
    Ang isang bansa ay masasabing may comparative advantage sa pagprodyus sa isang kalakal kung ito ay magkakaroon ng espesyalisasyon sa paglikha ng kalakal. Kumpleto ang mga gamit ngunit mababa ang produksyon
  • Thailand may comparative advantage sa produksyon ng kape
  • Pilipinas may comparative advantage sa produksyon ng bigas
  • Export
    Pagluluwas o pagbebenta ng produkto sa ibang bansa
  • Import
    Pag-angkat o pagbili ng produkto sa ibang bansa
  • Balance of Payments (BOP)

    Tumutukoy sa kalagayan ng kabayaran ng pagluluwas (export) at kabayaran sa pag-aangkat (import)
  • Kabutihan ng Pakikipagkalakalan
    • Mas maraming produkto ang mapagpipilian sa pamilihan
    • Napapataas nito ang kalidad ng mga produkto na mabibili sa pamilihan
    • Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga mamamayan ng bansang nakikipagkalakalan
    • Lumalawak ang pamilihan ng mga produkto sa bansa
  • Di-kabutihan ng Pakikipagkalakalan
    • Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa produktong imported
    • Hindi nalilinang ang pagkamalikhain ng mga mamamayan dahil umaasa na lamang sila sa mga produktong gawa sa ibang bansa
    • Pagkawala ng sariling pagkakakilanlan bunga ng pagpasok ng dayuhang kultura sa lipunan
  • World Trade Organization (WTO)

    Pormal na pinasinayaan at nabuo noong Enero 1, 1995. Ito ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member states
  • Layunin ng WTO
    • Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers)
    • Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulong-teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa (developing countries)
    • Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya ng samahan
  • Asia-Pacific Economic Council (APEC)

    Ito ay isang samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito. Itinatag noong November 1989
  • Layunin ng APEC
    • Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan
    • Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo
    • Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal
  • Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

    Itinatag noong August 8, 1967. Ang samahang ito ay naglalayong paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya
  • Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong January 28, 1992 sa Singapore
  • AFTA ay nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN