FLORANTE AT LAURA

Cards (18)

  • FLORANTE AT LAURA
    isang akdang nabibilang sa genre na tinatawaf na awit o romansang metrical, ito ay Tulang pasalaysay na may tig aapat na taludtod sa bawat saknong kung saan ang bawat taludtod ay may lalabindalawang pantig.binubuo ng 399 na saknong, ang mga tauhan ay nabibilang sa mga dugong bughaw o ng sinaunang panahon 
  • mga tauhang kristiyano
    • Prinsesa Floresca
    • Duke briseo
    • Florante
    • Haring Linceo
    • Laura
    • Menandro
    • Antenor
    • Konde Adolfo
    • Menalipo
    • Konde Sileno
  • mga tauhang moro
    • Heneral Oslamik
    • Heneral Miramolin
    • Sultan Ali-Adab
    • Emir-Gobernador
    • Aladin
    • Flerida
  • Duke Briseo
    Ang butihing ama ni Florante kaibigan at tagapayo ni aring Linceo
  • Florante
    Anak ni na Duke Briseo at Prinsesa Floresca.Magiting na heneral ng hukbo ng albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat
  • Haring Linceo
    Ama ni laura at hari ng albanya.Makatarungan at mabuting hari. 
  • Laura
    Anak ni haring Linceo. Siya'y magandang dalagang hinahangaan at hinahanggad ng maraming kalalakihan tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag ibig ay nanatiling laan para kay florante
  • Menandro
    mabuting kaibigan ni FloranteFlorante.Naging kaklase niya sa Atenas.Nakapaligtas ng buhay ni florante at siya'y naging kanang kamay niya sa digmaan 
  • Antenor
    Mabuting guro nina Florante, Adolfo at Menandro habang sila'y nag aaral sa atenas siya ang gurong gumagabay at nagturo ng maraming bagay kay florante
  • Konde Adolfo 

    Isang taksil at naging kalabang mortal ni Fiorante mula nang mahigitan siya nito sa husay at popularidad habang sila'y nag-aaral pa sa Atenas. Siya ang umagaw sa kahariang Albanya, nagpapatay kina Haring Linceo at Duke Briseo, nagpahirap kay Florante, at nagtangkang umagaw kay Laura. 
  • Menalipo
    Pinsan ni Florante. Nakapag- ligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya'y sanggol pa lamang. 
  • Konde Sileno 

    Ama ni Adolfo na taga-Albanya
  • Heneral Oslamik
    Magiting na heneral ng Persiya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit natalo at napatay ni Florante.
  • Heneral Miramolin
    Heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay sa Albanya subalit nalupig nina Florante at ng kanyang hukbo.
  • Sultan Ali-Adab
    Malupit na Ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
  • Emir
    Gobernador ng mga Moro na nag- tangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha ng dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap na pagdating ni Forante. 
  • Aladin
    Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya: anak ni Sultan Ali-Adab. Naging kaagaw niya ang ama sa kasintahang si Flerida kaya't pinili niyang magparaya at maglagalag sa kagubatan. Dito niya nailigtas si Florante na itinuturing na mahigpit na kaaway ng bayan at relihiyon. 
  • Flerida
    Kasintahan ni Aladin na tinang- kang agawin ng amang si Sultan Ali-Adab. Tumakas siya sa gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan. Nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo nang panain niya sa dibdib at mapatay ang buhong.