pagbasa

Cards (95)

  • Pangangatuwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)

    Nagsisimula ang pangangatuwirang pasaklaw mula sa malaki patungo sa maliit na kaisipan o katotohanan
  • Silohismo
    Isang uri ng lohikal na argumento na nahahati sa tatlong bahagi: Pangunahing Premis, Pangalawang Premis, at Konklusyon
  • Uri ng Silohismo
    • Tiyakang Silohismo
    • Kondisyunal na Silohismo
    • Pasakaling Silohismo
    • Pamiliang Silohismo
  • Ang unang premis sa silohismo ay dapat solido sa katotohanan, dahil kapag ito ay hindi matibay, bibigay ang lahat ng bahagi ng silohismo
  • Pangangatuwirang Pabuod (Inductive Reasoning)
    Nagsisimula sa pagpapahayag ng isang tiyak o maliit na katotohanan (ideya) tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat (ideya)
  • Uri ng Pangangatuwirang Pabuod
    • Pangangatuwirang Patulad
    • Pangangatuwirang Sanhi at Bunga
    • Pangangatuwirang May Patunay/Katibayan
  • Pagsasarbey
    Pamamaraan ng pagkuha ng pananaw o persepsyon ng mga tao hinggil sa isang paksa
  • Pagmamasid
    Obserbasyon kung saan ginagamit ng isang mananaliksik ang kaniyang mata upang tingnan, panoorin o pagmasdan ang isang tao, bagay, hayop, aksyon o pangyayari
  • Pagsasaliksik
    Paraan ng paghahanap ng impormasyon sa tulong ng mga sanggunian
  • Paggamit ng Opinyon
    Paggamit ng opinyon bilang impormasyon lalo na kung ito ay galing sa mga katiwa-tiwalang mga tao, eksperto o awtoridad
  • Paggamit ng Katunayan (Fact)

    Mga bagay na napatunayan, totoo at tinatanggap ng pangkalahatan bilang isang tunay na kaisipan
  • Pagbabahagi ng Karanasan
    Ang personal na nasaksihan, naramdaman, at narinig ng isang tao
  • Tuwirang sipi/pagpapahayag (Direct Quotation)

    Ginagamitan ng mga panipi kung saan tuwirang kinukuha mula sa pinagmulang sanggunian ang impormasyon
  • Di-tuwirang sipi/pagpapahayag (Indirect Quotation)
    Naisasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod (summarizing), rephrasing at paraphrasing kung hindi direktang kinukuha, inililipat o isinasalin ang isang teksto patungo sa bagong teksto
  • Noong 1939 unang tinukoy nina Alfred at Elizabeth Lee sa kanilang aklat na "The Fine Art of Propaganda" ang pitong propaganda devices
  • Propaganda devices
    • Name-calling
    • Glittering Generalities
    • Transfer
    • Testimonial
    • Plain Folks
    • Card Stacking
    • Bandwagon
  • Name-calling
    Paggamit ng masamang komento o pangalan sa isang produkto o kalaban sa politika upang baguhin ang pangmalas ng mga tao
  • Name-calling
    • Sabotahe ng produkto upang hindi ito mabili sa pamilihan
    • Ang pagsisiraan ng mga kandidato tuwing halalan
  • Glittering Generalities
    Mga magandang at kahanga-hangang komento tungkol sa isang produkto na sumasang-ayon sa mga paniniwala at halaga ng mambabasa
  • Glittering Generalities
    • Mas makakatipid sa bagong ______
    • Ang inyong damit ay mas magiging maputi sa ______
  • Transfer
    Paggamit ng isang kilalang indibidwal upang maiugnay ang kasikatan sa isang produkto o tao
  • Transfer
    • "Your Everyday Hydration" – Gatorade ( Kathryn Bernardo )
    • "Sikreto ng mga Gwapo" – Master ( James Reid )
  • Testimonial
    Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto
  • Testimonial
    • Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na wag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido
  • Plain Folks
    Madalas itong nakikita sa mga kampanya o komersyal kung saan ang mga kilala at sikat na tao ay ipinapakita ang kanilang sarili bilang isang karaniwang mamamayan
  • Plain Folks
    • Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag endorso ng kanilang produkto
    • Tuwing eleksyon, ang kandidato ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula rin sila sa hirap
  • Card Stacking
    Ipinapakita nito ang lahat ng positibong aspeto ng produkto ngunit hindi binabanggit ang mga negatibong katangian nito
  • Card Stacking
    • Lucky Me, pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya ngunit nagdudulot ito ng sakit
    • Isang uri ng pesticide na nakakapatay ng mga insekto ngunit nagdudulot rin ito ng potensyal na pinsala sa ating water sources
  • Bandwagon
    Isang uri ng panghihikayat kung saan ang isang tao ay nang-eengganyo na gamitin ang isang produkto o sumali sa ibang pangkat dahil ito'y uso at napapanahon
  • Bandwagon
    • Joy: Pinapakita sa komersyal nila na ang mga tao sa iba't ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit nito sa paghuhugas ng pinggan dahil ito ay epektibo
    • LBC: Lahat ng tao ay dito nagpapadala
  • Ang tekstong persuweysib ay may layong manghikayat at mangumbinsi ng mga mambabasa
  • Elemento ng tekstong persuweysib
    • Thesis Statement
    • Argumento
    • Ebidensya
    • Rebyu ng Kabilang Panig
    • Pagwawakas
  • Thesis Statement
    Ang pangunahing assertion ng teksto ay nagbibigay ng pangunahing konsepto nito sa mga mambabasa
  • Argumento
    Mga pangunahing punto o batayan para masuportahan ang mga pahayag na nakapaloob sa thesis statement
  • Ebidensya
    Mga nasasalat na halimbawa, katotohanan, at pruweba na nagpapatibay sa mga pahayag ng manunulat
  • Rebyu ng kabilang panig
    Inilalatag muna ng manunulat ang mga magkasalungat na argumento bago tumugon sa mga ito
  • Pagwawakas
    Ang may-akda ay gumagawa ng kanyang huling pahayag o konklusyon
  • Tatlong paraan ng panghihikayat
    • Ethos
    • Pathos
    • Logos
  • Ethos
    Tumutukoy sa katangian o imahe ng nagsasalita. Tinatasa nito kung mapagkakatiwalaan ang nagsasalita
  • Pathos
    Pagsasamantala ng emosyon para impluwensiyahan ang mga mambabasa