Ang Citizenship ay galing sa kabihasnang griyego ay binubuo ng mga lungsod estado na tinatawag na "Polis"
Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
Ang isang Citizen ay maaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.
Ang Pagkamamamayan o Citizenship ay isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado.
Ayon kay MurrayClarkHavens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado.
Seksiyon1: Mamamayan ng Pilipinas, yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang batas na ito; yaong mga isinilang bago sumapit ang enero 17, 1973 na ang mag ina ay pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang at; yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Seksiyon2: Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa seksiyon 1, talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
Seksiyon 3: Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
Seksiyon 4: Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
Seksiyon 5: Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
Ang Jus Sanguinis ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Ang Jus soli o Jus loci ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
Ang makabansa ay ang tungkulin na sikaping isulong ang pagtutulungan, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa.
Ang Makatao ay ang katangian na dapat igalang at protektahan. Bilang mamamayan, may kalayaan tayong gamitin ang bawat karapatan ngunit dapat nating tandaan na ang bawat karapatan ay may kalakip na pananagutan at tungkulin na igalang din ang mga karapatan ng iba.
Ang produktibo ay ang pagiging matiyaga at masipag sa paggawa ay ugali na nating mga Pilipino noon pa man.
MayLakas ng Loobattiwalasasarili ay katangian din ng loob ipinamamalas ng mga manggagawang Pilipino na nagingibang bansa upang doon maghanapbuhay.
Makatuwiran ay ang katangian na isinasaalang-alang ang kapakanan ng nakararami kaysa sa pansariling interes.
Matulunginsakapwa ay likas na sa mga Pilipino ang pagtulong sa kapwa. Tayo ay likas na mapagkawang-gawa lalong lalo na sa mga kapus-palad at dumaranas ng hirap sa buhay.
Makasandaigdigan ay ang mamamayan ng kanyang bayan at gayundin sa buong mundo.
Ang pansibiko ay may kinalaman sa mga gawain o aktibidad na may kaugnayan sa pampublikong interes o kapakanan ng lipunan.
Ang paggalangsademokrasya ang aktibong pakikilahok ng mga mamayan sa gawaing politikal ay nagpapakita ng respeto at pagtitiwala sa proseso ng demokrasya.
Ang pagpapalakassaresponsibilidad ay ang pakikilahok sa gawaing pansibiko at politikal, natututunan ng mga mamamayan ang kanilang mga responsibilidad bilang bahagi ng lipunan.
Ang pagsulongngpagbabago ang aktibong pakikilahok ay nagbubukas ng pintuan para sa pagbabago at pag-unlad sa isang lipunan.
Ang proteksiyonngkarapatan ang pagpapahalaga sa pakikilahok sa gawaing politikal ay nagpapalakas sa karapatan ng mga mamamayan.
Ang pakikibahagisapagpaplano ay ang pakikilahok sa gawaing pansibiko at politikal, ang mamamayan ay nagiging bahagi ng proseso ng pagpaplano at pagbuo ng mga proyekto at programa ng pamahalaan.