Timog-Silangang Asya (Ira and Rapha)

Cards (19)

  • Sinakop ng Espanya Ang Pilipinas sa loob ng 333 na taon.
  • Pilipinas - Ito ay mayaman sa ginto, at may mahusay na daungan tulad ng Maynila.
  • Natuklasan ng mga Espanyol ang kayamanan ng Pilipinas sa ginto lalo na sa mga lugar ng Ilocos, Camarines, Cebu at Butuan sa Mindanao.
  • Mayroong tatlong pangunahing layuning ang Espanya sa pagtuklas ng bagong lupain, ito ay ang tinatawag nating 3'Gs
    1. Kayamanan o Gold
    2. Relihiyon o God
    3. Karangalan o Glory
  • Kayamanan o Gold - Ninais ng mga Espanyol na makuha ang mga kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain.
  • Relihiyon o God - Layon ng mga Espanyol na maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
  • Karangalan o Glory - Hinangad ng mga Espanyol na makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang bansa sa paggalugad ng mga bagong lupain.
  • Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng Mindanao Ang kanilang nasakop.
  • Mindanao - Ito’y di tulad ng Luzon at Visayas dahil ilang bahagi lamang ang nasakop ng mga Espanyol sa Mindanao dahil sa matagumpay na pakikipaglaban ng mga Muslim.
  • Marso 16, 1521 - Dumating si Ferdinand Magellan, isang adbenturong Portuguese na naglayag para sa kaharian ng Espanya.
  • Ferdinand Magellan - Nakarating siya sa Silangan gamit ang rutang pa-kanluran. Dahil sa paglalakbay niya, napatunayan niyang bilog ang mundo.
  • Si Ferdinand Magellan ang unang nakarating sa isla ng Homohon. Siya ay nabigo na masakop ang Pilipinas dahil napatay siya ng tauhan ni Lapu-Lapu sa Labanan sa Mactan.
  • Lapu-Lapu - Siya ay pinuno ng Mactan na kauna-unahang Pilipino na matagumpay na mapaalis ang mga Espanyol na mananakop.
  • Abril 27, 1565 - Nagtayo ng unang pamayanang Espanyol sa Cebu. Dahil dito, sinakop na rin ang ibang lupain tulad ng: Maynila, isa ito sa mga pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa Asya.
  • Lopez De Legazpi - Nanguna sa paglalakbay ng mga Espanyol at dahil dito nagsimula ang pananakop sa Pilipinas at nagtatag ng “First Asia-American trading line”. Nagtagumpay na masakop ang Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag sanduguan sa mga lokal sa pinuno at gumamit ng dahas.
  • Sanduguan - Isa ito sa mga paraan ng mga Espanyol sa pananakop na nakikipag kaibigan sa mga lokal na pinuno na pormal nilang ginagawa sa pamamagitan ng Sanduguan. Iniinom ng lokal na pinunong Espanyol ang alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo.
  • Kristiyanismo - Ito’y relihiyon na naipalaganap ng mga Espanyol. Nasakop ng relihiyon ang pag-isip at damdamin ng mga Plipino kaya mas madali silang napasunod ng mga Espanyol.
  • Reduccion - Paraan rin ito upang mas mapadali at mas mapabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo at pagkuha sa likas ng yaman ng Pilipinas.
  • Reduccion - Sa ilalim ng sistemang ito, ang mga pamayanang Pilipino, partikular na ang mga maliliit na lipunan, ay tinipon at pinagsama-sama sa iisang lugar.