Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay
Tekstong Prosidyural
May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang ligtas, episyente, at angkop sa paraan
Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram at mga larawan
Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto
Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa
Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa instruksiyon
Gumamit nang malinaw na pang-ugnay
Paraan ng pagluluto (Recipes)
Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga larawan
Panuto (Instructions)
Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o likhain ang isang bagay
Panuntunan sa mga laro (Rules for Games)
Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin
Manwal
Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines at appliances
Mga eksperimento
Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang maisulat ito sa madalingintindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain
Pagbibigay ng direksyon
Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan
Layunin
Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito ang dapat maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na "Paano"
Mga Kagamitan / Sangkap
Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap upang maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto
Hakbang(steps)/ Metodo(method)
Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur
Konklusyon / Ebalwasyon
Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur
Pamagat
Ang nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o isasakatuparan
Seksyon
Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon upang hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa
Sub-heading
Kung mayroon ng seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur
Mga larawan o Visuals
Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga salita
Tekstong Prosidyural
Ilarawan nang malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong deskripsyon
Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
Ilista ang lahat ng gagamitin
Laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of view)