Mga Karapatang Pantao

Cards (9)

  • 539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon.
  • Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
  • Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
  • Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
  • Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan.
  • Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-batas ng kanilang bansa.Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791. Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
  • Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland. Kinilala ito bilang The First Geneva Conventionna may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
  • Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizenna naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.
  • Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commissionsa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights.