ANG UDHR

Cards (14)

  • Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
  • Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
  • Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946.
  • Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations si Eleanor Roosevelt
  • Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang “International Magna Carta for all Mankind.”
  • Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR
  • Natural Rights - Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado. Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ariarian
  • Constitutional Rights - Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
  • Karapatang Politikal – Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
  • Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
  • Karapatang Sosyo-ekonomik – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong kalagayan ng mga indibiduwa
  • Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anomang krimen.
  • Statutory Right - Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. Karapatang makatanggap ng minimum wage.
  • Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 Artikulo III ay may 19 na seksyon