Aralin 17 AP

Cards (10)

  • quantitative a batayang pang-ekonomiya - ay nagsasaad na ang kaunlaran ay batay sa antas ng kabuoang pambansang kita o gross national income (GNI) at per capita income (PCI). Iniuugnay ito sa konsepto ng economic growth o paglago ng ekonomiya dulot ng pagtaas ng kita ng pamahalaan mula sa mga produkto at serbisyo.
  • ang qualitative na batayan - ay may kaugnayan sa uri ng pamumuhay ng tao na nagsasaad na ang kaunlaran ay hindi lamang nakabatay sa estadistika. ngunit sa kabuoang tinatayang kalagayan nito. Iniuugnay ito sa konsepto ng economic development o kaunlarang pang-ekonomiya na sumasalamin sa de-kalidad a pamumuhay.
  • Ekonomiya - Ang pagkakaroon ng mataas na GNP, GNI
    o PCI ay isang indikasyon ng katatagang pang- ekonomya.
    o kaunlaran. Sumasalamin it sa pagkakaroon ng maayos
    na impraestruktura, matatag na ugnayang panlabas, at
    masiglang pag-iimpok at pamumuhunan.
  • Politika - ginagamit din na batayan ng kaunlaran ang katatagang pampolitika. Ang maunlad na bansa ay karaniwang
    mayroong maayos na sistemang politikal. Hindi ito nahaharap sa matitinding kaguluhan tulad ng digmaan, karahasan, at civil disobedience.
  • Kultura - Hindi lamang sa salapi nasusukat ang yaman ng isang bansa. Ito ay nakikita rin sa mayamang kultura ng mamamayan. Ang nagpasalin-salin na mga kaugalian, tradisyon, selebrasyon, at estilo ng pamumuhay ng mga ito ay bahagi ng pagkakakilanlang kultural
  • Lipunan - Isa rin sa mga palatandaan ng kaunlaran ay ang katatagang panlipunan. Sinasalamin nito ang pagkakaroon ng matibay na pag uugnayan ng lahat ng mamamayan. Dito rin nakapaloob ang tinatawag a equitable distribution o wastong pamamahagi ng yaman ng bansa a lahat ng mamamayan nito
  • Relihiyon - isang magandang palandaan ng kaunlaran ay ang pagkakaroon ng katatagang panrelihiyon. Dito natatamasa ang mataas na antas ng paggalang sa karapatan at kalayaan ng bawat tao na maipahayag at isabuhay ang
    sariling paniniwala.
  • Kapaligiran - Hindi hiwalay ang usaping pangkaunlaran sa wastong pangangalaga ng kalikasan. Mas mainam ang pagtamo ng kaunlaran nang may pagsaalang-alang
    sa estado ng mga likas na yaman. Halimbawa, mahalaga ang pagpapanatili ng malinis na supply ng tubig dahil dito nakasalalay ang kalidad ng kalusugan ng mga tao
  • Edukasyon - Ang mataas na antas ng literasiya (literacy) ay
    magandang palatandaan ng kaunlaran. Natatamo lamang ito
    sa pamamagitan ng matatag na sistemang pang-edukasyon.
    Nakatutulong it upang makalikha ng mga manggagawa na may sapat na kaalaman at kasanayan
  • Kalusugan - Ang pagkakaroon ng mayos at malawak na
    sistemang pangkalusugan o healthcare system ay palatandaan
    din ng kaunlaran. Kayamanan ng isang bansa ang pagkakaroon
    ng malusog na mamamayan.