Paglaganap ng Noli Me Tangere
1. Nagkausap si Gobernador Heneral Terrero at Rizal ukol sa mga usapin sa nobela
2. Naghanap si Rizal ng kopya ng Noli para maging batayan ng gobernador heneral sa kanyang gagawing pagsusuri
3. Nagsagawa ng hiwalay na pag-eksamen sa nobela sa pangunguna ni Msgr. Pedro Payo at ipinasa kay Padre Gregorio Echavarria (Rektor ng UST) na nagsabing "ERETIKAL, WALANG PAGGALANG AT NAKASISIRANG-PURI SA ORDENG PANRELIHIYON SA DI-MAKABAYAN, SUBERSIBO SA KALAGAYANG PAMPULITIKA, MAPAMINSALA SA PAMAHALAAN NG ESPANYA AT GAWAIN NITONG PAMPULITIKAL SA BANSA"
4. Ipinadala ni Terrero ang kopya ng Noli sa Komisyon ng Sensura sa pamumuno ni Padre Salvador Font at naglabas ng rekomendasyon noong DISYEMBRE 29: "ANG IMPORTASYON, REPRODUKSYON AT SIRKULASYON NG MAPAMINSALANG AKLAT NA ITO SA MGA ISLA AY DAPAT IPAGBAWAL"