Aeona ST FILO

Cards (67)

  • Sumulat ng Florante at Laura
    Francisco Balagtas Baltazar
  • Kailan isinulat ang Florante at Laura?
    1838 (Panahon ng Espanyol)
  • Ang mga aklat na nalimbag noon ay karaniwang patungkol sa
    Relihiyon o labanan ng mga moro at kristiyano
  • Ano ang temang ginamit ni Balagtas sa F&L?
    Relihiyon at paglalabanan ng mga moro at kristiyano na naiugnay niya sa pag-iibigan nina Florante at Laura.
  • Paano niya naitago ang mensahe ng pagtuligsa o tutol sa kalupitan ng mga pagmamalabis ng mga Espanyol?
    Aligorya
  • Anong genre ng Florante at Laura?
    Awit o Romansang Metrical
  • Ilang taludtod sa bawat saknong at ilang pantig kada-taludtod?
    tig-aapat na taludtod bawa't saknong, lalabindalawahing pantig kada taludtod.
  • Ilang saknong ang meron ang Florante at Laura?
    399 na saknong
  • Saan nabibilang ang mga tauhang gumaganap?
    Dugong bughaw ng sinaunang panahon
  • Paano ipinakita ang tagpuan sa simula ng awit?
    Madilim at mapanglaw na gubat
  • Saan naganap ang kabuoan ng awit?
    Kaharian ng Albanya
  • 2 kategorya ng mga tauhan.
    Tauhang Kristiyano at Tauhang Moro
  • Mabuting kaibigan ni Florate na naging kaklase niya sa Atenas, niligtas niya ang buhay ni Florante at siya ang naging kanang kamay niya sa digmaan.
    Menandro
  • Ang mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menandro sa Atenas, ginabayan niya sa maraming bagay si Florante.
    Antenor
  • Ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo at anak ng hari ng Krotona. Namatay siya habang nag-aaral pa lang si Florante sa Atenas.
    Prinsesa Floresca
  • Ama ni Florante, kaibigan at tagapayo ng Haring Linseo.
    Duke Briseo
  • Anak ni Haring Linseo, hinangad nina Adolfo at Emir subalit inibig niya si Florante.
    Laura
  • Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca, magiting na heneral na hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya malinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
    Florante
  • Ilang kaharian ang napabagsak ni Florante?
    17
  • Sino ang nilinlang ni Adolfo at pinatapon sa gubat?
    Florante
  • Sino ang naging hari't reyna ng Kahariang Albanya?
    Florante at Laura
  • Taksil, kalabang mortal ni Florante dahil nahigitan siya nito sa husay at popularidad sa Atenas, umaagaw ng kahariang Albanya.
    Konde Adolfo
  • Sino ang pinapatay ni Konde Adolfo?
    Haring Linseo at Duke Briseo
  • Pinsan ni Florante, nakapagligtas sa buhay niya mula sa buwitre noong siya'y sanggol pa lamang.
    Menalipo
  • Saan iniligtas ni Menalipo si Florante nung siya'y sanggol pa lamang?
    Buwitre
  • Heneral ng Persiya na namuno sa pananakop sa Krotona, tinalo at pinatay ni Florante.
    Heneral Osmalik
  • Heneral ng Turkiya, namuno sa pagsalakay sa Albanya.
    Heneral Miramolin
  • Ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya kay Flerida.
    Sultan Ali-Adab
  • Gobernador ng mga moro, sinampal sa mukha ni Laura, humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa pagdating ni Florante.
    Emir
  • Gererong moro at prinsipe ng Persiya, anak ni Sultan Ali-Adab, naging kaagaw niya yung ama niya sa kasintahang si Flerida.
    Aladin
  • Kasintahan ni Aladin na tinagkang agawin ni Sultan Ali-Adab (AMA NI ALADIN), niligtas si Laura sa kamay ni Adolfo nang panain niya sa didib at mapatay ang buhong.
    Flerida
  • Tauhang moro na naging tagapagligtas nina Florante at Laura (Tauhang Kristiyano).
    Aladin at Flerida
  • Masasalamin sa aklat ang apat na himagsik na tinutukoy ni ____ _ _____.
    Lope K. Santos
  • 4 na himagsik
    Laban sa malupit na pamahalaan, hidwaang pananampalataya, maling kaugalian, mababang uri ng panitikan.
  • Isinulat ang Florante at Laura sa akdang
    Tagalog
  • Kanino inialay ni Balagtas ang awit?
    Selya o Maria Asuncion Rivera.
  • Saan isinulat ang Florante at Laura?
    Loob ng selda
  • Sino ang nagdala ng kopya ng F&L sa Europa?

    Dr. Jose Rizal
  • Saan ginawang inspirasyon ni Dr. Jose Rizal ang F&L?
    Noli Me Tangere
  • Saan, kailan, at sino ang sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulat kamay ng kopya ng awit?
    Apolinario Mabini, Guam 1901.