Tekstong Argumentatibo

Cards (7)

  • Tekstong Argumentatibo
    Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ang isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan
  • Proposisyon
    Ang pahayag na inilahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan na inilahad upang pag-talunin o pag-usapan
  • Proposisyon
    • Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan
    • Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang mag-trabaho sa ibang bansa
    • Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa bilingual education
  • Argumento
    Ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig
  • Ang pagkakaiba ng Proposisyon at Argumento ay ang Proposisyon ay ang unang pangunahing idea ng pag-uusap o pag-lalaban, wala pang gamit na ebidensya, habang ang Argumento ay sumusuporta sa pag-lalaban, gamit ang mga ebidensya, katwiran at lohika upang patunayan kung tama o hindi
  • Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
    • Mahalaga at napapanahong paksa
    • Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
    • Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
    • Maayos na pagkasunod-sunod ng talatang nag-lalaman ng ebidensya ng argumento
    • Matibay na ebidensya para sa argumento
  • Bukod sa mga nabanggit, kailangan ding iwasan ang paggamit ng wikang emosyonal. Mahalagang pagtibayin ang ebidensiya at paghusayin ang lohikal na pangangatwiran kaysa umapila sa emosyon ng mambabasa. Huwag ding mag-imbento ng ebidensiya at tiyaking banggitin ang pinagmulan ng mga impormasyon at pagpapatunay.