Isolationism - ang paghihiwalay ng kanyang bansa mula sa daigdig dahil sa mataas na pagtingin sa kanyang kultura at sa pagniniwalang makasisira sa kanyang bansa ang impluwensiya ng mga dayuhan
Kowtow - pagyuko ng mga tsino sa kanilang emperador nang tatlong beses kung saan ang noo ay humahalik sa sementro
Opyo - halamang gamut na kapag inabuso ay nagdulot ng masamang epekto sa kasulugan
Unang Digmaang Opyo - labanan ng China at England noong 1839-1842
Dahilan ng Unang Digmaang Opyo:
• pagkumpiska at pagsunog sa opyo na nakuha mula sa isang barkong pagmamay-ari ng mga British
Bunga ng Unang Digmaang Opyo:
Natalo ang mga tsino dahil sa lakas ng pwwersa ng mga British at nilagdaan ang Kasunduang Nanking
Kasunduang Nanking:
binuksan ang daungan ng Amoy, Foochow, Ningpo at Shanghai
Pag-angkin ng England sa Hongkong
Pagbayad ng China ng 21 million dollars bilang bayad pinsala
Ipinagkaloob sa England ang karapatang extraterritoriality
Extraterritoriality - ang sino mang British na nagkasala sa China ay hindi maaaring litisin sa korte ng mga tsino kundi sa korte ng British
Ikalawang Digmaang Opyo - labanan ng China sa England at France noong 1856-1860
Dahilan ng Ikalawang Digmaang Opyo:
Pagpigil ng isang opisyal na adwana na makapasok ang barko ng mga British na may dala na opyo
Sumali rin ang France dahil sa diumano'y pagpatay ng isang misyonerong pranses sa China
Bunga ng Ikalawang Digmaang Opyo:
Natalo ang mga tsino dahil sa lakas ng pwersa ng England at France at nilagdaan ang Kasunduang Tientsin
Kasunduang Tientsin:
binuksan ang 11 pang daungan para sa kalakalan
pag-angkin ng England sa Kowloon
Pagpahihintulot sa mga kanluranin na manirahan sa Peking at makapasok sa buong China
Ginawang legal ang pagbebenta ng opyo sa pamilihan ng China
Sphere of Influence - paghahati ng mga kanluranin sa mga rehiyon sa China noong 1900s
Open Door Policy - ay magiging bukas ang China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang sphere of influence