larang

Cards (10)

  • POSISYONG PAPEL
    Ito ay nagpapahayag ng argumento o punto-de-bista na may layuning pasubalian ang naunang posisyon. Ito ay gumagamit ng pangangatwiran kung saan ang isang diskursong naglalayong mapatunayan ang katotohan ng ipinapahayag ay pinaniniwalaan at ipatanggap sa nakikinig o bumabasa ang katotohanang iyon.
  • POSISYONG PAPEL
    Ito'y naglalayong maipakita ang katotohan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami, depende sa persepsyon ng mga tao.
  • Mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel
    1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso
    2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa (may sapat na ebidensyang makakalap)
    3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
    4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
    5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya
    6. Buuin ang balangkas ng posisyong papel
  • Dalawang uri ng ebidensya sa pangangatwiran
    • May katunayan (Facts)
    • Mga opinyon
  • REPLEKTIBONG SANAYSAY
    Isang tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw at damdamin, hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
  • Mga paksang maaaring gawaan ng replektibong sanaysay
    • Librong katatapos lamang basahin
    • Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
    • Pagsali sa isang pansibikong gawain
    • Praktikum tungkol sa isang kurso
    • Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
    • Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
    • Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa west Philippine sea
    • Paglutas sa isang mabigat na suliranin
    • Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
  • LARAWANG SANAYSAY (Pictorial o Photo essay)

    Isang serye ng mga larawan na ginawa upang lumikha ng serye ng emosyon sa mga mambabasa. Ito ay pagpapakita ng mga larawan sa malalim at emosyonal na yugto. Ito rin ay upang makapang-hikayat at maaliw ang mga mambabasa tungkol sa espisipikong paksa.
  • LAKBAY SANAYSAY
    Ito ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Isang uri ng lathalain na ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay.
  • Mga dahilan ng pagsulat ng lakbay Sanaysay
    • Upang maitaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat
    • Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
    • Upang makapagtala ng pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espirituwalidad, paggpapahilom o kaya'y pagtuklas sa sarili
    • Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing paraan
  • Mga Elemento ng isang mahusay na Programang Pampaglalakbay (Travel Vlog)

    • Kalinawan at Katiyakan
    • Tunog (sound)
    • Ilaw (lightning)
    • Haba (length)
    • Editing
    • Aliw (entertainment)