Hatinggabi nang palihim na tumungo si Basilio sa kagubatan na pagmamay-ari ni Ibarra na nabili naman ni Kapitan Tiago
Tumigil si Basilio sa bunton ng mga batong malapit sa kinalalagyan ng punong balite, kung saan nakalibing ang kanyang ina
Sa tuwinang umuuwi si Basilio sa bayan na iyon ay una niyang dinadalaw ang yumaong ina ng palihim
Muli nitong naalala ang pagkamatay ng ina at ng lalaking sugatan na si Eliaslabingtatlongtaon na ang nakaraan
Sa pamamagitan ng perang ibinigay ng lalaking noon lamang niya nakita ay lumisan si Basilio sa bayan na iyon at nagtungo sa Maynila
Nagtangka siyang magpasagasa sa dumadaang sasakyan mabuti't nakita siya ni Kapitan Tiago
Dito ay pumasok siya bilang alila nang hindi binabayaran
Pinahintulutan ni Kapitan Tiago na mag-aral si Basilio sa SanJuandeLetran
Mula ng pumasok si Maria Clara sa kumbento ay kinamuhian na ni KapitanTiago ang mga pari
Dumating ang pagkakataong nakilala si Basilio nang sumapit siya sa ikaapat na taon
Nanalo siya sa paligsahanng sable at baston
Mula noon ay nakilala siya at kinagiliwanpatuloy siyang nagtiyaga sap ag-aaral at nakamit ang sobresaliente o pinakamahusay na marka
Pinalipat ito sa Ateneo Municipal at mas lalo pang nagpakadalubhasa sa pag-aaral
Natapos sa batsiler si Basilio
Dahil sa sariling hilig, Medisina ang napiling kurso ni Basilio bagama't mas nais san ani Kapitan Tiyago na mag-abogasya siya upang magkaroon siya ng kakilalang abogadong hindi naniya kailangang bayaran
Ngunit dahil mahirap noon ang maging abogad at sa pagnanais na makahanap ng lason para sa tari ng kanyang sasabungin ay pumayag na rin si Kapitan Tiyago
Ngayon ay nasa hulingtaon na siya sa Medisina
Dalawang buwan pa at magiging isang ganap na doktor na si Basilio
Pagkatapos ay muling babalik sa bayan at papakasalan si Huli
Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat at may narinig na mga yabag
Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan
Nagtago ito at nakitang nandoon si Simoun na mag-aalahas
Inalis nito ang kanyang salamin at nag-umpisa sa paghuhukay
Habang pinapanood ni Basilio si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa kanya labing tatlong taon na ang nakalipas
Siya ang tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at kay Elias
Nagulintang si Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang tumulong nang makita niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay
Nagpakikila si Basilio at sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni Elias kaya't siya naman ang nagbigay ng tulong kay Simoun
Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti
Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila
Hiningi niyang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila
Ayon kay Simoun ang mga hiling na ito ay ang pagpawi sa kanilang pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga naniniil
Dagdag pa niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa di pagkakaunawaan
Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio
Aniya ang Kastila ang siyang magbubuklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan
Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio
Ani Simoun ang wikang Kastila ay kailanma'y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat bayan ay may sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito
Sa huli ay hinikayat ni Simoun si Basilio na makisali sa kanyang planong paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Kastila
Ngunit hindi pinaunlakan ni Basilio ang panghihikayat ni Simoun dahil naniniwala ito na walang katapusan ang karunungan
Ang galing ng tao ang siyang magiging paraan upang maging malaya ang lahat ng tao