MGA TAUHAN SA EL FILIBUSTERISMO

Cards (42)

  • Simoun
    Nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa El Filibusterismo
  • Basilio
    Kasintahan ni Juli; mag-aaral sa medisana; kalaunan ay napapayag ni Simoun na sumapi sa kanya
  • Kapitan Tiago
    Kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at libing
  • Isagani
    Pamangkin ni Padre Florentino; kasintahan ni Paulita Gomez
  • Kabesang Tales
    Anak Tandang Selo; Ama ni Lucia, Juli at ni Tano; ginipit ng mga pari sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking buwis
  • Tandang Selo
    Ama ni Kabesang Tales; lolo ni Juli
  • Juli
    Anak ni Kabesang Tales; apo ni Tandang Selo; kasintahan ni Basilio; nagpakamatay dahil hinalay Padre Camorra
  • Kapitan Heneral
    Kaibigan ni Simoun na may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan
  • Mataas na Kawani
    Kagalanggalang; tumutupad sa tungkulin; may paninindigan at may pananagutan
  • Don Timoteo Pelaez
    Ama ni Juanito Pelaez; naging kasanib ni Simoun sa negosyo
  • Juanito Pelaez
    Pinakasalan ni Paulita Gomez bandang huli
  • Paulita Gomez
    Naging kasintahan ni Isagani; napangasawa ni Juanito Pelaez; pamangkin ni Donya Victorina
  • Donya Victorina
    Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio
  • Don Tiburcio
    Pinagtaguan ang asawang si Donya Victorina; nagtungo kay Padre Florentino upang doon magtago
  • Ben Zayb
    Isang mamahayag na gumagawa ng sariling bersyon ng mga balita
  • Macaraig
    Isa sa mga nakikiisa sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila
  • Pecson
    Mag-aaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria; isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas ngunit hindi umaasang matutupad ang hangaring ito
  • Sandoval
    Kastila na sumasang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  • Placido Penitente

    Estudyanteng nais nang tumigil sa pag-aaral; anak ni Kabesang Andang na taga-Batangas; nilait ni Padre Millon ng wala itong maisagot sa kanyang klase sa Pisika
  • Tadeo
    Tamad na mag-aaral; mahilig magdahilan na may sakit upang hindi makapasok sa paaralan
  • Padre Salvi
    Dating kura sa San Diego; pansamantalang nanungkulan sa Sta. Clara (ang kumbento kung saan naroon si Maria Clara); malapit na kaalyado ng Kapitan Heneral
  • Padre Camorra
    Paring gumahasa kay Huli
  • Padre Fernandez
    Paring natatangi; may paninindigan; hindi nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle
  • Padre Florentino
    Amain ni Isagani; Pilipinong pari na pinuntahan at nakausap ni Simoun bago ito mamatay
  • Padre Irene
    Paring nakikiisa sa pagtatatag ng akademya ng wikang Kastila
  • Padre Millon
    Paring guro sa pisika; lumait-lait sa estudyanteng si Placido Penitente ng wala itong maisagot sa kanyang klase
  • Ginoong Pasta
    Tagapayo ng mga prayle
  • Don Custodio
    Siya si Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo na tinaguriang "Buena Tinta"; ang magdedesiyon sa akademya ng wikang kastila
  • Quiroga
    Intsik na mangangalakal; sa bodega nito ipinatago ni Simoun ang mga armas na gagamitin sa paghihimagsik
  • Kapitan Basilio
    Mayaman na Kapitan sa San Diego; asawa ni Kapitana Tika; ama ni Sinang
  • Hermana Bali
    Ang nagsabi kay Huli na lumapit kay Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio
  • Hermana Penchang
    Relihiyosang amo ni Huli
  • Kabesang Andang
    Ina ni Placido Penitente; taga-Batangas
  • Kapitana Tika
    Asawa ni Kapitan Basilio; ina ni Sinang
  • Ginoong Leeds
    Amerikanong nagtanghal sa perya
  • Imuthis
    Nagsasalitang ulo sa perya
  • Pepay
    Isang mananayaw; hiningian ng tulong ng mga mag-aaral upang kausapin si Don Custodio tungkol sa akademya ng wikang Kastila
  • Sinong
    Kutsero; ilang beses nabugbog dahil nakalimutan ang sedula at napundihan ng ilaw sa kasagsagan ng prusisyon
  • Carolino
    Nakapatay kay Tandang Selo na kaniyang lolo
  • Sinang
    Kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio at Kapitana Tika