GNED04_Customs-of-the-Tagalog

Cards (33)

  • Tabon Man- Sila ay nagmula sa mga sinaunang tao na tinatayang nabuhay noong mga 22,000 hanggang 47,000 taon na ang nakakaraan. Ang kanilang mga labi at mga kagamitan ang nagpapatunay sa kanilang presensya sa lugar.
  • "Aeta" o "Negritos"- isa sa mga pangunahing pangkat etniko sa Pilipinas. Sila ay kilala sa kanilang madilim na balat, maikling taas, at iba pang mga katangiang pisikal. Ang mga Aeta ay karaniwang naninirahan sa mga lugar sa Gitnang Luzon, partikular sa mga bundok at gubat.
  • Malay- isang pangkat etniko na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya, partikular sa mga bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, Brunei, at Pilipinas. Sila ay isang pangunahing grupo sa rehiyon, at ang kanilang kultura, kasaysayan, at wika ay may malaking impluwensiya sa buong Timog-Silangang Asya.
  • Si Juan de Plasencia ay isang prayle na tumulong sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas noong unang panahon. Siya rin ang unang pari ng Pila, Laguna na siya ding sumulat ng Doctrina Christiana, ang unang aklat na nailimbag. ("Ang Ama Namin," "Ang Aba Ginoong Maria," "Ang Sumasampalataya," at iba pa.) Siya ang sumulat ng "Customs of the Tagalogs." Ito ay kanyang naisulat sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan noong siya ay naging misyonaryo sa Pilipinas.
  • Customs of the Tagalogs
    Isinulat noong 1589, panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Isinulat upang mahikayat ang mga tagalog na maniwala sa Kristiyanismo.
  • Panlipunang uri (Social Classes)

    • DATU
    • MAHARLIKA
    • TIMAWA
    • ALIPIN
  • DATU
    Ang katawagan sa pinuno ng mga barangay noong kapanahunan ng bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sila ang nagsisilbing tagapagpatupad ng mga batas na makatutulong sa kaunlaran at kapyapaan ng kanilang lugar at ang nagsisilbing pinakahari.
  • MAHARLIKA
    Isang klase ng mandirigma na mga malaya. Sila ay mga malalayang utusan ng kanilang Datu na hindi saklaw mula sa mga buwis at pagkilala ngunit kinakailangan na magbigay ng serbisyo militar.
  • TIMAWA
    Maituturing na nasa panggitnang antas ng lipunan noong sinaunang kasaysayan ng Pilipinas.
  • ALIPING TAGALOG

    • ALIPING NAMAMAHAY
    • ALIPING SAGUIGUILID
  • ALIPING NAMAMAHAY
    Isang uri ng Alipin na may sariling pamamahay at ari-arian. Nagsisilbi lamang siya sa Datu kung panahon ng anihan, kapag may ipapatatayong mga tahanan o tuwing kailangan lamang.
  • ALIPING SAGUIGUILID
    Isa sa tinuturing na pinakamababang uri ng Alipin na walang anumang ari-arian at nakatira lamang sa bahay ng Datu. Maaaring ipagbili sapagkat itinuturing silang pag-aari ng Datu.
  • "Bahay Kubo"

    Ang bahay na ito ay may apat na dingding at may isa o dalawang kwarto sa loob. Gawa ito sa kahoy, kawayan, at pawid. Nakatindig ang bahay sa mga poste na may tatlo o apat na metro mula sa lupa. Ang pinakamalaking kwarto ay ginagamit bilang tanggapan ng mga panauhin, kainan, at tulugan.
  • Pananamit ng Sinaunang Pilipino
    • PUTONG
    • KANGGAN
    • BAHAG
    • BARO
    • TAPIS
    • SAYA/PATADYONG
  • PUTONG
    Piraso ng tela na binabalot sa ulo. Ang pulang putong ay isinusuot kung nakapaslang na ng isang tao. Burdadong putong pag nakapaslang ng may pitong tao.
  • KANGGAN
    Isang tsaleko na walang kwelyo o manggas. Pulang Kanggan para sa datu. Itim o asul para sa may mababang katayuan.
  • BAHAG
    Piraso ng telang nakabalot sa baywang at may habang hanggang hita.
  • BARO
    Damit na ipinapatong na may manggas.
  • TAPIS
    Telang karaniwang binabalot sa baywang.
  • SAYA/PATADYONG
    Maluwag na palda.
  • Palamuti ng Sinaunang Pilipino

    • POMARAS
    • GANBANES
    • TATO
  • POMARAS
    Isang alahas na hugis rosas.
  • GANBANES
    Isang uri ng gintong pulseras na isinusuot nila sa braso at binti.
  • TATO
    Isang permanenteng disenyo at marka sa balat. "PINTADOS" ang tawag ng mga Espanyol sa katutubong puno ng tato ang katawan.
  • Ina ang karaniwang nagbibigay ng pangalan sa kaniyang anak noong sinaunang panahon sa Pilipinas. Ang pagpapangalan ay batay sa isang partikular na pangyayari. Wala silang apelyido. Idinudugtong ang "in" sa pangalan kung ito ay babae.
  • Pamahalaan ng Sinaunang Pilipino
    • BARANGAY
  • BARANGAY
    Nagmula sa salitang balangay/balanghai na isang sasakyang pandagat na ginamit ng mga Malay sa kanilang paglalayag. Ito ang pamahalaan ng mga unang Pilipino. Pagtitipon-tipon ng isang tribo na pinamumunuan ng DATU na may bilang na hindi bababa sa 30 at hindi hihigit sa 100 bilang ng kanilang nasasakupan.
  • Ang datu ang gumagawa ng batas ng pamayanan at kapag may naisip siyang batas, tinatawag niya ang konseho ng mga nakatatanda para magbigay ng kanilang opinyon. Kapag sinang-ayunan, ang umalohokan, bilang tagapagbalita, ay ipaaalam ito sa mga mamamayan ng barangay. Sinuman ang sumuway sa batas ay ihaharap sa datu at lilitisin.
  • Aliping Bisaya
    TUMATABAN
    TUMARAMPUK
    AYUEY
  • TUMATABAN
    Nagtatrabaho kapag inuutusan ng panginoon
  • TUMARAMPUK
    Nagtatrabaho nang isang beses sa isang linggo
  • AYUEY
    Nagtatrabaho nang tatlong beses sa isang linggo
  • BAYBAYIN
    Sinaunang Sistema ng pagsulat ng mga Pilipino noong panahon bago pa dumating ang mga Kastila.