A. P. (Mga Hamon at Suliranin sa Ilalim ng Batas Militar)

Cards (7)

  • Batas Militar
    Espesyal na kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos na magampanan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan
  • Pagdedeklara ng Batas Militar
    1. Maaari ring magdeklara ng batas militar kapag may matinding sakuna o hidwaan gaya ng pananakop
    2. Malimit na may kaakibat na pagpapatupad ng curfew (takdang oras ng pagbabawal sa mga taong sibilyan na lumabas ng kanilang mga bahay)
    3. Pagsuspinde ng batas sibil, karapatang sibil, habeas corpus
    4. Pagsasailalim ng hukumang-militar sa mga sibilyan
  • Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Setyembre 21, 1972, ang Pilipinas ay napasailalim sa Batas Militar
  • Layunin ng Batas Militar
    Mailigtas ang Republika at bumuo ng Bagong Lipunan
  • Basehan sa pagdeklara ng Batas Militar
    Artikulo VIII, Seksyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas ng 1935
  • Ayon dito, ang Pangulo ng Pilipinas ay may karapatan at kapangyarihang magdeklara ng batas militar kung may nagbabantang panganib tulad ng rebelyon, paghihimagsik, paglusob, at karahasan
  • Mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagdeklara ng Batas Militar ng Pilipinas noong 1972
    1. Madugong rally ng mga mag-aaral at manggagawa sa Mendiola noong Enero 30, 1970
    2. Paghahangin ng granada sa pagpupulong ng Partido Liberal sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971
    3. Serye ng pambobomba sa Metro Manila mula March 15 hanggang September 11, 1972
    4. Pananambang sa kumboy ni Juan Ponce Enrile noong Setyembre 22, 1972