PAGSALIK

Cards (27)

  • Mga salik na nagpasiklab sa Unang Digmaang Pandaigdig
    • Nasyonalismo
    • Sistemang alyansa
    • Militarismo
    • Imperyalismo
  • Nasyonalismo
    Isang ideyolohiya na nagpapakita ng maalab na pagmamahal ng mga mamamayan sa sariling bansa
  • Nasyonalismo ay nagpapakita ng matinding debosyon at katapatan ng mga indibidwal sa kanilang bayan, lalo't higit sa pagpapanatili ng kultura at mga tradisyon nito
  • Dalawang uri ng nasyonalismo
    • Depensibong nasyonalismo
    • Agresibong nasyonalismo
  • Depensibong nasyonalismo
    Pagpapakita ng pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagtatanggol rito buhay man ang maging kapalit
  • Agresibong nasyonalismo
    Uri ng nasyonalismo na mapusok at layong makapanakop o, mapalaki ang teritoryo ng isang bansa dahil sa labis na pagmamahal dito
  • Sa pagsapit ng ika-20 siglo, ang nasyonalismo ay lumikha ng kompetisyon at tunggalian sa pagitan ng mga makapangyarihang bansa sa Europa
  • Ang pagnanais ng mga bansang Alemanya, Austria-Hungary, Britanya, Rusya, Italya, at Pransiya na maging pinakadakila sa lahat ay nagbunsod ng pananakop at pakikidigma upang palawigin ang kanilang teritoryo at patatagin ang kani-kaniyang bansa
  • Militarismo
    Paniniwala o, pagnanais ng isang pamahalaan o, mga tao na ang isang bansa ay dapat mapanatili ang isang malakas na kakayahan sa militar at maging handa na gamitin ito upang ipagtanggol at itaguyod ang kanilang kapakanan
  • Dahil sa militarismo, hinikayat at pinilit ng mga bansa ang kanilang mga kalalakihan na sumapi sa kanilang sandatahang lakas
  • Mga bansa na nagpalakas ng kanilang militar
    • Rusya
    • Britanya
    • Alemanya
  • Nagtagisan sa paggawa ng mga barko at iba pang kagamitan sa digmaang pandagat ang Britanya at Alemanya
  • Isinagawa ang kumperensiya sa The Hague, Netherlands noong 1899 at 1907 upang mapanatili ang kapayapaan sa Europa, subalit sadyang matindi ang tensiyon sa buong kontinente kaya hindi rin nito napigilan ang mga sumunod na kaganapan
  • Imperyalismo
    Pamamahala sa malaking teritoryo ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa
  • Sa paghahangad na mapalakas ang ekonomiya ng kanilang bansa at matawag na pinakadakila sa lahat, nanakop ng mga lupain ang mga bansang Europeo na nagsimula noong ika-15 hanggang ika-17 siglo
  • Mga bansang Europeo na nanakop ng mga lupain
    • Alemanya
    • Portugal
    • Holland
    • Belgium
  • Ang pagkawala ng rehiyon ng Alsace-Lorraine mula sa Pransiya
    Nagpaigting ng nasyonalismo ng Pransiya
  • Binantayan naman ng Britanya ang Alemanya bunsod ng patuloy na paglakas ng hukbong pandagat nito na humamon sa pangingibabaw ng hukbong Britanya sa karagatan
  • Mahalaga ang nabuong alyansa sa pagitan ng Britanya at Pransiya dahil sa tulong ng Britanya, naprotektahan ng Pransiya ang sarili mula sa posibleng pagsalakay ng Alemanya
  • Sistemang alyansa
    Nahati ang Europa sa dalawang magkatunggaling pangkat bago pa man umusbong ang Unang Digmaang Pandaigdig, at ang bawat pangkat ay may mga kaalyadong bansa na kaagapay nito sakaling magkaroon ng digmaan
  • Ang sistema ng alyansa ay pinasimulan ni Otto von Bismarck, punong ministro ng Prussia at unang kansilyer ng Imperyo ng Alemanya
  • Upang maiwasan ang banta ng pakikidigma sa Alemanya ng mga bansang nakapaligid, nakipag-alyansa ang Alemanya sa Austria-Hungary at Rusya, at tinawag itong Liga ng Tatlong Emperador
  • May tunggalian sa pagitan ng Austria-Hungary at Rusya dahil sa pag-aagawan nila sa teritoryo sa tangway ng Balkan, at kalaunan, umalis ang Rusya sa samahan na tuluyang nabuwag
  • Sumali sa alyansa ang Italya bilang reaksiyon nito sa pananakop ng Pransya sa Tunisia, isang teritoryong hinahangad ng Italya
  • Lihim namang nakipag-alyansang muli ang Alemanya sa Rusya noong 1887 sa pamamagitan ng isang kasunduang ito, subalit nang pumalit na emperador ng Alemanya si Wilhelm II, napilitang magbitiw sa tungkulin si Bismarck noong 1890, at hindi na ipinagpatuloy ng Alemanya ang kasunduang ito sa Rusya
  • Noong 1894, nakipagsundo ang Pransiya sa Rusya, at gayundin, nakipagsundo ang Pransiya sa Britanya, at dahil sa mga naturang alyansa, nagkasundo rin ang Britanya at Rusya na dating magkatunggali, at ang mga naturang kasunduan ay nagbunsod sa Triple Entente
  • Ang Alemanya at Austria-Hungary ay nakakuha naman ng suporta mula sa Imperyong Ottoman (turkey) at Bulgaria, at ang panibagong alyansang ito ay tinawag naman na Central Powers