Simoun- Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral.
Makapangyarihan siya kaya't iginagalang at pinangingilagan ng mga indio at maging mga prayle man.
Padre Florentino- Isang mabuti at kagalang-galang na paring pilipino. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa magulang.
Mataas na kawani- Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng mga makabagong Kastila.
Lagi siyang salungat kapag hindi pinagiisipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani.
Kapitan Heneral- Hinirang sya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan.
Salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani.
Padre Millon- Isang paring Dominiko na propesor sa pisika at kemika.
Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa.
Tano/Carolino- Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumusunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo.
Nawal nang matagal na panahon.
Tata Selo- Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang tales. Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano.
Anv kumalinga sa batang basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli Me Tangere.
Telesforo Juan de Dios- Kilala rin bilang si Kabesang Tales ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa mayayang may lupain.
Pinili siyang maging kabesa ng barangay ng kanyang kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao.
Juliana o Juli- Ang pinakamagandang dalaga sa tiani na anak ni Kabesang Tales. Siya ay pilipinang madasalin,matiisin,masunurin at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya.
Basilio- Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. NIlunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at na mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay.
Siya ay nagtagumpay at nakapanggamot ahad kahit hindi pa natatangggap ang diploma ng pagtatapos.
Isagani- Isang malalim na makata o manunugma.
Pamangkin siya ni butihing si Padre Florentino.
Makaraig- Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawaging pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng kastila.
siya ay napakayaman at bukas-palad sa kapwa.
Placido Penitente- Mahihanon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pili niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kanaiinisan din niya ang pangalang ito.
Kapag siya ay napuno, parang bulkan siya sumasabog at walang kinakatakutan,
Pecson- Mapanuring mag-aaral.
Masigasig siya makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba't-ibang usapin.
Juanlito Pelaez- Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si Placido.
May kapansanang pisikal subalit hindi niya mapapakita. Masugid siyang manliligaw ni Paulita GOmez.
Sandoval- Isang tunay na Espanyol. Lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng pilipino.
Mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan.
Tadeo- siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakita ng propesor.
Hangad niya laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa.
Donya Victorina de Espadana- isang pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi.
Nagpapanggap bilang Europeo.
Paulita Gomez- Isang masiyahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki.
Tiyahin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. Dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
Don Tiburcio de Espandana- Isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang di na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso.
Siya ay lalaking walang buto, sunod sunuran at takot sa asawa.
Don Santiago"'Kapitan Tiago" delos Santos- Dating kaibigan ng mga prayle subalit ngayo'y masama na ang loob niya sa mga ito.
Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok si Maria Clara sa monasteryo.
Maria Clara delos Santos- Ang tanging babaeng inibig ni Simoun sa kanyang buhay. Isa sya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas.
Nais siyang kunin at itakas ni Simoun mula sa monasteryo.
Kapitan Basilio- Isang mayamang maamayan na taga San-Diego.
Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo- nakapag-asawa ng maganda at mayang mestisa.
Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng kapitan Heneral dahil sa likas niyang talino.
Ben Zayb- Ang mamamahayag na malayang mag-isip at minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala.
Lumalabas na magaganda at mabuting balita tungkol sa Kapitan Heneral at iba pang mataas na opisyal upang mapalapit siya sa mga ito.
Ginoong Pasta- Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyang na abogadong pilipino.
Mapanuri at namimili siya ng kauspap.
Maestro- ang guro sa tiani na naging mahusay na paggawa ng paputok.
D. Bonifacio Talon- sapatero at talabatero.
D. Eulogio Badana- reteradong sarhento ng kababinero.
Armendia- isang marangal na piloto at masugid na Carlista.
D Eusebio Picote- ang namamahala ng aduana
Binday- siya sa mga dalagang Orenda, tapat at kaibig-ibig.
Orenda- masipag at mayamang mag-aalahas ng Sta. Cruz.
Tia Tentay- tiyahin nina Sensia na nagsabing demonyo si Simoun na nabili ang kaluluwa ng mga Kastila.
Tinay- dalagitang nakalaro ni Isagani ng sungka.
Chichoy- ang nakasaksi ng mga pangyayari sa kasalan na siyang nagkuwento sa mga tao sa tahanan ng mga Orenda.
Sensia- maganda,masiglang dalaga, at palabiro.
Kapitana Loleng- masipag at matalinong kapitana.
Kapitan Toringgoy- si Domingo na walang inatupag kundi mamasyal at makipagkwentuhan samantalang nagtratrabaho ang kanyang pamilya.
Momoy- matanda sa magkakapatid na Orenda, kasintahan ni Sensia.