AP 15 P2

Cards (12)

  • Pakikilahok sa mga Gawaing Pansibiko (Civic Engagement)
    • Dahil nasa ating mga kamay ang susi para sa pagbabago ng ating lipunan, nararapat lamang na kalimutan ang maling pananaw na pamahalaan lamang ang may tungkulin na bigyang-solusyon ang mga isyung panlipunan; na sila ay ating inihalal upang bigyang-katugunan ang lahat ng ating pangangailangan at wala na tayong gagawin bilang mamamayan. Ang ganitong pag-iisip ay nagdudulot ng sentimyentong paninisi sa pamahalaan kapag ang ating mga pangangailangan at suliranin ay hindi natugunan.
    • Sa katunayan, ayon sa Article 2, Section 1 ng ating Saligang-batas, “Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.” Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng isang Estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip, ito ay nagmumula sa mga mamamayan.
  • Katulad ng nabanggit na, ang mamamayan ay dapat aktibong nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-katugunan ang mga hamong panlipunan. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Mangyayari lamang ito kung ang mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga isyung panlipunan. Ang kamalayang ito ang magtutulak sa mamamayan na aktibong makilahok sa mga hakbanging magbibigay katugunan sa maraming isyung panlipunan.
    • Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang pagboto bilang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino. Kasama rin sa listahan ang wastong pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao.
    • Kung ang survey na ito ang pagbabatayan, mababatid na malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa kahalagahan ng karapatang makaboto sa kabila ng maraming balakid at mga suliranin. Ayon nga sa constitutionalist na si Fr. Joaquin Bernas (1992), ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal para mamuno bagkus ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.
  • Iba pang mga katangiang dapat taglayin sa Pakikilahok sa mga Gawaing Pansibiko
    1. may malapit na relasyon sa Diyos
    2. may lubos na pagkakakilala sa sarili
    3. may malapit na ugnayan o relasyon sa pamilya
    4. may malapit na ugnayan sa kapwa
    5. may malasakit sa kalikasan
    6. may kabatiran sa mga obligasyon bilang mamamayan ng Pilipinas
  • Iba’t ibang gawaing Pansibiko
    • Suffrage
    • Gawaing Sibil o Paglahok sa Civil Society at Boses Pampolitika
  • Suffrage (Pakikilahok sa Eleksiyon o Halalan)
    • Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang-batas.
  • Ayon sa Article 5 ng Saligang Batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto ay:
    a.) Citizen of the Philippines,
    b.) Not disqualified according to the law
    c.) 18 years of age or older, at
    d.) Reside in the Philippines for at least 1 year and in the place where he wants to vote for at least 6 months before the election.
  • Narito naman ang mga hindi maaaring bumoto ayon sa Omnibus Election Code, Article 12 Section 116:
    1. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
  • Narito naman ang mga hindi maaaring bumoto ayon sa Omnibus Election Code, Article 12 Section 116:
    2. Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
  • Narito naman ang mga hindi maaaring bumoto ayon sa Omnibus Election Code, Article 12 Section 116:
    3. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.