kahulugan, batayan at kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan

Cards (17)

  •        Ang active citizenship o aktibong pagkamamamayan ay tumutukoy sa mga mamamayang nakikibahagi sa malawak na usapin at gawain at naglalayong maitaguyod sumusuporta sa demokrasya
  • Ang isang aktibong mamamayan ay nagtataguyod ng kalidad ng buhay sa isang pamayanan sa prosesong political at non-political
  • ANG DALAWANG ASPEKTO NG PAGKAMAMAMAYAN
    1. Citizenship rights - Ito ay sumasaklaw sa taglay na kalayaan ng isang indibidwal gayundin ang kanyang mga karapatang politikal, sibil, panlipunan, at pang-ekonomiko bilang isang mamamayan.
    2. Citizenship practice/active citizenship - Ito tumutukoy sa mga gawaing nauugnay sa pagkilos at pagganap ng isang indibidwal sa kanyang tungkulin bilang mamamayang nagtataglay ng mga karapatan at kalayaan.
  • MGA PANGUNAHING PRINSIPYO AT KATANGIAN NG AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN
    1. Nakikilala ang mga hamon o oportunidad sa pamayanan, paaralan, estado, o bansa na maaaring matugunan sa pamamagitan ng epektibong pagkamamamayan
    2. Nagtataglay ng mga kaalaman at kasanayang kinakailangan upang maging ganap ang pansibikong tagumpay
    3. Nagtataglay ng kaalamang nauukol sa mga demokratikong institusyon at proseso
  • MGA PANGUNAHING PRINSIPYO AT KATANGIAN NG AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN
    4. Nagtataglay ng katangian ng isang makademokratikong mamamayan tulad ng pagkilala at paggalang sa pagkakaiba-iba ng etnisidad, relihiyon, seksuwalidad, kasarian, at iba pang kalagayang panlipunan gayundin ang pagkakaiba-iba sa panlipunan at pampolitikang pananaw;
    5. Epektibong paggamit ng kasanayan, kaalaman, at pagpapahalaga upang makatugon sa oportunidad o hamon sa kanilang kapaligiran.
  • KAHALAGAHAN AT BUNGA NG AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN
    1. Epektibong partisipasyon sa pamayanan.
    2. Nagkakaroon ng kapangyarihan ang mamamayan na maimpluwensiyahan ang mga pagpapasiyang panlipunan at pampolitikang tuwirang nakaaapekto sa kanilang buhay.
     
  • KAHALAGAHAN AT BUNGA NG AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN
    3. Pagkalinang ng kaalaman at pag-unawa sa mga usaping panlipunan, pampolitika, at pang-ekonomiya upang makabuo ng angkop at tamang pagpapasiya.
    4. Pagkahubog ng kakayahang masuri at mapaunlad ang mga umiiral na estrukturang panlipunan tungo sa pagtataguyod ng kalayaan at karapatang pantao para sa lahat at pagpapaunlad ng kalidad ng buhay sa pamayanan
  • Polis- Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan
  • Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado
  • Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado.
  • SEKSIYON 1: Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
    1. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
    2. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
    3. yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
    4. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
  • SEK. 2. Ang katutubong ipinanganak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino
  •  SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas
  • SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-aasawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito
  • SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
     
  • Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan
    1. Jus Sanguinis - ang pagkamamamayan ayon sa relasyon sa dugo
    2. Jus Soli - ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan
  • ang abogadong si Alex Lacson ang naglahad ng 12 gawaing maaaring makatulong sa ating bansa