Mga Patakarang Ipinatupad ng Espanyol sa Ph (Kervs and Me)

Cards (13)

  • Nang masakop at mapasailalim sa kamay ng mga Espanyol ang Pilipinas, nagkaroon ng mga pagbabago sa mga pamumuhay ng mga Pilipino. Nagtupad ang mga Espanyol ng mga patakaran na labis na nakaapekto sa pamumuhay, kultura, at ekonomiya ng Pilipinas.
  • Ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol ay mahahati sa tatlong kategorya.
    1. Pampolitika
    2. Pangkabuhayan
    3. Pangkultura
  • Sentralisadong pamamahala - Napasailalim sa pamumuno ng mga Espanyol ang halos kabuoan ng bansa. Itinalaga ng Hari ng Espanyol bilang kinatawan sa Pilipinas ang Gobernador Heneral.
  • Ang Simbahang Katoliko - Dahil sa impluwnesya sa taumbayan, naging makapangyarihan din ang mga Espanyol na pari at kura-paroko noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol
  • Tributo - Sa patakarang ito, pinagbabayad ng buwis ng mga maaaring ipambayad ay ginto, mga produkto at mga ari-arian. Dahil sa pag-aabuso sa pangongolekta, maraming katutubo ang naghirap at nawalan ng kabuhayan.
  • Pampolitika
    1. Sentralisadong Pamamahala
    2. Gobernador Heneral
    3. Ang Simbahang Katoliko
  • Gobernador Heneral - Siya ang pinakamatataas na pinunong Espanyol sa Pilipinas. Nawala sa kamay ng mga katutubo ang karapatang pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang maglingkod sa pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon lamang.
  • Pangkabuhayan
    1. Tributo
    2. Polo y Servicio
    3. Monopolyo
  • Polo y Servicio (Sapilitang paggawa/pagtatrabaho) - Sapilitang nagtatrabaho ang mga lalaking edad 16-60. Pinagtatrabaho sila upang gumawa ng mga gusaling pampamahalaan, simbahan, tulay, atbp.
  • Monopolyo - Kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan. Hinahawakan nila ang pagbebenta ng mga produktong nabili sa Europa tulad ng tabako. Kumita rin sila nang malaki sa kalakalang Galyon. Maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na sila nakapagtanim ng kanilang makakain.
  • Pangkultura
    1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
    2. Wika at mga Pandiriwang
  • Pagpapalaganap ng Kristiyanismo - Niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo. Ipinapatay ang mga pinuno ng mga katutubong relihiyon. Dahil dito, maraming katutubo ang naging Kristiyano at mas madaling napasunod ng mga Espanyol.
  • Wika at mga Pandiriwang - Natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol. Idinaos din ang mga taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan, Santa Cruzan, at Pasko. Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay may kaugnayan sa relihiyon.