Wk 2 Datos ng kalidad/kailanan, paunang impormasyon, tesis

Cards (16)

  • Paunang Impormasyon
    magbibigay ng ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling paksa.
  • Paunang Impormasyon
    gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa bubuoing pahayag ng tesis
  • Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon (Website) 

    Educational Institution (.edu)
    Government (.gov)
    Non-profit Organization (.org)
    Commercial (.com)
  • Mga Libro
    Almanac, Atlas, Encyclopedia , Pahayagan , Journal, Magasin
  • Dalawang uri ng Datos
    Datos ng Kailanan at Datos ng Kalidad
  • Datos ng kalidad
    nagsasalaysay o naglalarawan , kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari , paano at bakit, ano, sino, kailan at saan
  • Datos ng kailanan
    Datos na numerikal na ginagamitan ng operasyong matematikal
  • Datos ng kailanan
    Tumutukoy sa dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey o ininterbyu o sa katangiang nabibilang at nasusukat taas, bigat, edad o grado ng mga mag-aaral
  • Pahayag na Tesis
    naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik
  • Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
    Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o posisyon.
  • Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
    Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito maaaring malutas.
  • Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
    Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
  • Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
    Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang paraan
  • Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
    Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/hindi nangyari ang mga bagay-bagay sa nakalipas.
  • Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
    Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka.
  • Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
    Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito naging ganito o ganoon.