AP ARALIN 19

Cards (15)

  • Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Nobyembre 3, 1985 ang pagdaraos ng isang Snap Election.
  • Noong ika-7 ng Pebrero 1986 idinaos ang snap election o ang biglaang eleksiyon. Si Marcos sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL), ay lubos na umaasa na siya'y muling magwawagi sapagkat ilang beses na niyang napatunayan ang suporta sa kanya ng mga mamamayan.
  • Ang kanyang nakatunggali ay si Corazon "Cory" Aquino na sa katunayan ay hinfi ninasang pumasok sa politika. Subalit marami ang sumuporta sa kanya dahil sa paniniwalang siya ang karapat-dapat na kandidatong lumaban kay Marcos.
  • Sa pamamagitan ng isang milyong pirmang kinalap ng Cory Aquino for President Movement (CAPM) sa pamumuno ni Joaquin "Chino" Roces si Cory ay napapayag na lumaban kay Marcos.
  • "Marcos Pa Rin" at Marcos, Now More Than Ever" ang islogang ginamit ni Marcos sa kanyang pangangampanya samantalang "Tama na, Sobra na, Palitan na!" ang silogang ginamit naman ni Cory sa ilalim ng Partido UNIDO (United Nationalist Democratic Organization).
  • Si Arturo M. Tolentino ang Pangalawang Pangulo ni Marcos at si Salvador Laurel naman ang pangalawang pangulo ni Cory.
  • Sa pangangampanya ni Cory nasa likod niya ang mayayamang negosyante, mga alagad ng Simbahang Katoliko, ang Cory's Crusaders, at maging ang mga kilalang politiko.
  • Ang kanyang mga kampanya ay dinaluhan ng libo-libong taong nagpamalas ng pagsuporta sa kanyang kandidatura. Tinatayang 500,000 tao ang dumalo sa kanyang miting de avance na ginanap sa Luneta Park.
  • Sa panahon ng snap election ay pinahintulutang lumahok sa bilangan ang NAMFREL o National Citizens' Movement for Free Elections na pinamumunuan ni Jose Concepcion Jr, isang mangangalakal. Ang himpilan ng NAMFREL ay nasa La Salle Green Hills.
  • Saan ang himpilan ng NAMFREL?
    La Salle Green Hills
  • Samantalang ang COMELEC (Commission on Elections) ang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksiyon ay nakahipil sa Philippine International Convention Center (PICC).
  • Sa pagbibilang ng boto ay parehong gumagamit ng computer ang dalawam subalit nakapagtatakang magkaiba ang itinatalang resulta ng mga ito. Sa bilangan ng COMELEC, nanguna si Marcos ngunit sa NAMFREL ay manlinaw na nanguna si Cory.
  • Pagsapit ng ikasampu ng gabi noong Pebrero 9, 1986 ang mga taong nagbibilang sa COMELEC na may hawak ng resulta ng boto ay nagwalk-out sa pangunguna ni Linda Kapunan dahil sa umano'y nangyaring pandaraya.
  • Sa gitna ng kaguluhang ito sa bilangan ay iprinoklama ng Batasang Pambansa noong ika-15 ng Pebrero 1986 na sina Marcos at Tolentino ang mga nagwagi sa eleksiyon at may lamang na higit sa limang daan libong boto laban sa mga katunggali nito.
  • Samantala, ayon sa NAMFREL sina Cory Aquino at Salvador Laurel ang nagsipagwagi sa halos 800,000 boto. Ito ay nagdulot ng malaking insulto sa mga Pilipino sapagkat hayagang nagkakaroon ng dayaan sa oras ng bilangan.