TEST 1 - IDENTIFICATION (DALUMAT-SAWIKAAN)

Cards (21)

    • dalumat - kakayahang mag-isip ng malalim
    • pagdadalumat - pagteteorya at pagbuo ng mga konsepto o kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay-bagay sa lipunan
    • dalumat-salita - paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag-uuri't paggamit nito
    • paglilirip - maingat na pag-iisip. May pagsusuring sangkot sa gawaing pag-iisip
    • hiraya - kakayahan ng isip na maging malikhain o maparaan, makabuo ng mga imahen o konsepto ng mga panlabas na bagay na hindi umiiral o hindi totoo
    • paghihiraya - upang maging malikhain ang isang palaisip o teorista sa kognitibong konstruksyon ng kabuluhan, kahulugan at kakayahan ng salita bilang dalumat
    • PILIPINOLOHIYA - ito ay masistematikong pag-aaral sa Pilipinong kaisipan, Pilipinong kultura, at Pilipinong lipunan. Layunin nito na palabasim ang pagka-Pilipino ng bawat larangan na meron ang kultura ng Pilipinas
    • Prospero R. Covar - Ama ng Pilipinolohiya. Nagtapos ng AB at MA Sosyolohiya sa UP Diliman.
    • Zeus Salazar - Pantayong Pananaw. Ang kasaysayan ay isang salaysay hinggil sa nakaraan na may saysay para sa sinasalaysayang pangkat ng tao o salinlahi. 
    • Consolacion Alaras - Ang sumulat ng 'PAMATHALAAN: Ang Pagbubukas sa Tipan ng Mahal na Ina' at 'The Philippines as the Pamathalaan Pilgrimage Country'
    • Rosario Torres-Yu - (Sarilaysay) tinampok ang kababaihang manunulat at ang kuwento ng kanilang buhay. Sa bagong sarilaysay, inilahad niya ang kasaysayan ng mga manunulat na lalaki–ang mga pangyayari sa loob at labas ng kanilang mga sarili na humubog sa kanila bilang mga tao, lalaki, at manunulat
    • NUNCIO (2004) -
    Ilang paraan ng pagdadalumat-salita ng ilang kritiko, teorista, at palaisip sa iba’t ibang disiplina
    1.    Pag-imbento/pagkatha ng mga bagong salita/konsepto
    2.    Pagsasalin at pagdagdag ng kahulugan
    3.    Pag-aangkop/ rekonteksruwalisasyon: Siklohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez
    • VIRGILIO ENRIQUEZ
    Ø  Pag-aangkop /rekonteksruwalisasyon: Siklohiyang Pilipino
    Ø  Kasaysayan bilang “salaysay na may saysay” at “pag-uulat sa sarili”
    • LUMBERA – Dating bilang pagdadalumat sa estetikang Filipino
    • code switching - lubusang panghihiram ng mga salita
    • sawikaan - ang nagbibigay-daan sa paghahanap ng Salita ng Taon bilang pagkilala sa patuloy na pag-inog ng mga salita sa lipunang tao
    • Mario I. Miclat - Ang Sawikaan ay Bagong Likha (Modernong Filipino). Nilapian ito ng sa+at+an na nagpapahayag ng “sapamamagitan ng”na ang ibig sabihin ay pagbabanyuhay ng salita sa pamamagitan ng wika
    • 2004 - taon na nag umpisa ang salita ng taon
    • 2008 at 2009 - Nawala ang Salita ng Taon dahil sa paniniwala ng FIT ay wala masyadong bagong salita ang lumitaw sa mga nabanggit na taon
    • 2011 - Walang Salita ng Taon Dahil nang magbalik ito noon 2010 ay nagging kada dalawang taon na ito at hindi taunan
    • Galileo S. Zafra - Ang Sawikaan ay isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan sa nakalipas na taon