Fly Leaf 1 - ito ang bakante at pinakaunang pahina ng papel pananaliksik
Pamagating Pahina o Title Page - Nakasaad sa pahinang ito ang pamagat ng pananaliksik, ang pangalan ng mananaliksik at ang asignaturang nangangailagang nito maging ang panahon ng pagkabuo nito
Pahina ng Pagpapatibay o Approval Page - ito ang pahina na nagkukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro sa pamamahong papel
Pahina ng Pasasalamat o Acknowledge Page - inilalagay ng mananaliksik ang kanyang pasaslaamt at pagkilala sa mga indibidwal na nagbigay sa kanya ng tulong at inspirasyon
Pahina ng mga Talahanayan at Grap - dito nakatala ang bawat talahanayan at grap na nakatala sa pananaliksik
Pahina ng Bibliograpi - dito nakatala ang mga ginagamit na reperensya na nakatulong sa pagbuo ng pananaliksik
Pahina ng Biograpi - Pahina ito ng maikling talambuhay ng mananaliksik
Fly Leaf 2 - Blangkong pahina sa hulihang bahagi ng papel pananaliksik
Panimula - maikling talataan na naglalarawan o nagpapaliwanag sa kapaligiran ng suliranin
Layunin ng Pag-aaral - inilalahad ang mga layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik
Kahalagahan ng Pag aaral - nakalahad dito ang kapakinabangang makukuha sa isinasagawang pananaliksik at kung para kanino ito
Lawak at Delimitasyon ng Pag aaral - tinutuoy rito ang simula at hangganan ng pananaliksik na isinasagawa kabilang na ang mga baryabol na sakop at hindi sakop ng pag aaral
Kahulugan ng mga Termino - Lahat ng mahahalagang termino na saklaw ng pag aaral ay marapat bigyan ng kahulugan
Mga Kaugnay na Literatura at Pag aaral - sa kabanatang ito inilalagay ang mga pag aaral at mga literatura na may kaugnayan sa pananaliksik
Kaugnay na Literatura at Pag aaral - naglalaman ng mga kaugnay na literatura at mga kaugnay na pag aaral na may pagkakahawig sa kasalukuyang pananaliksik
Disenyo ng pananaliksik - nagbibigay linaw kung anong uri ng pananaliksik ang ginamit sa pag aaral
Instrumento ng Pananaliksik - naglalarawan sa mga instrumentong gagamitin sa pagkuha ng datos at ipinaliliwanag ito ng detalyado at ibinibigay ang mga dahilan sa paggamit nito
Tritment ng mga Datos - nagpapaliwanag kung paano sinuri o inalisa ang mga datos