Dalumat (Lesson #2)

Cards (10)

  • Itinaguyod ng Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT), isang NGO na nagsulong sa pagsasalin at pagpapaunlad ng modernong Filipino
  • Nagsimula noong 2004 upang subaybayan ang pag-unlad ng wikang Filipino batay sa umiiral na gamit ng mga salita sa diskurso ng lipunan
  • Sawikaan
    Proyekto na nagtatampok sa pamimili ng pinakamahahalagang salita na namayani sa diskursong mga Filipino sa nakalipas na taon
  • GALILEO S. ZAFRA (2005): 'ang Sawikaan ay isang masinsinang talakavan para pilin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan sa nakalipas na taon'
  • MARIO I. MICLAT: 'ang SA-WI-KA-AN ay Bagong Likha (Modernong Filipino). Nilapian ito ng sa+ at +an na nagpapahayag "sa pamamagitan ng" na ang ibig sabihin ay pagkabanyuhay ng Salita sa pamamagitan ng wika'
  • Kahalagahan ng Sawikaan
    • Naging isang lugar o okasyon upang pag-usapan ang mga salitang nagging bahagi ng diskursong Filipino sa araw-araw
    • Natatampok dito ang mga salitang natural na pumapasok sa bokabularyo ng wikang Filipino o kaya'y isa ring pagsilang sa mga dati nang salita na nagkaroon ng bagong kahulugan dulot ng mga bagong karanasan ng lipunang Filipino
    • Mahalagang batis sa pag-aaral ng kasaysayan ng wika sa konteksto ng lipunang Filipino
  • Mga salitang maaaring mailahok sa pagpiling salita ng taon
    • Bagong imbento
    • Bagong hiram sa banyaga/Katutubo
    • Patay na salitang muling na buhay
    • Lumang salita ngunit may bagong kahulugan
  • Mga isinasalaang-alang sa pagpiling salita ng taon
    • Ang kabuluhan ng salita sa buhay ng tao
    • Pagsasalamin nito sa kalagayang panlipunan
    • Ang lalim ng saliksik ukol sa pinasang salita
    • Ang paraan ng pagpe-presenta nito sa madla
  • DALUMAT
    Kasing kahulugan ng paglilirip at paghihiraya
  • Ayon kay Panganiban (1973): 'Ang salitang DALUMAT ay kasing kahulugan ng paglilirip at paghihiraya'