Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon.
Umpukan -ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan.
Talakayan -ay isasagawa kung kailan magkaroon ng bagay na hindi mapagkaunawaan at nangangailangan ng paglilinaw ng magkatunggali sa layunin na upang mangibabaw ang katotohanan
Impormal na Talakayan -kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao.
Pormal na Talakayan -Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong namamahala at namumuno ng talakay.
Ibigay ang tatlong uri ng talakayan:
•Panel Discussion
•Simposyum
•Panayam
Panel Discussion -Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa harapan ng mga tagapakinig.
Simposyum -Kahawig ng panel discussion pero ito ay mayroong tiyak na paksang tatalakayin ng bawat kasapi sa panel.
Panayam -Ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang suliranin.
Pagbabahay-bahay -ay isang gawain na nagpupunta sa iba’t – ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaring makakuha ng impormasyon.
Pulong-Bayan -Ito ay pagpupulong ng mga taong nainirahan as isang bayan upang pag- usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago.
Komunikasyong Di-Verbal -Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita.
Ang di verbal na p akikipagkomunikasyon ay gamit ang KILOS o GALAW ng katawan.
Ayon kay ALBERT MEHRABIAN (1971) 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kaniyang kapwa ay di-berbal na komunikasyon.
Proksemika -Pag-aaral ng komunikatibong gamit ang espasyo.
Pandama -Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon.
Paralanguage -mga di-lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
Katahimikan -Ang pag-imik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras at pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip o makabuo o magorganisa ng kaniyang sasabihin.
SWS Survey noong 1993, 18% lamang sa mga Pilipino ang may ganap na kahusayan sa
paggamit ng wikang Ingles.
Sa SWS Survey (Abril 8-16, 1998) 1500 Pilipino ukol sa kanilang
unang wika sa tahanan:
35% Filipino
24% Cebuano
11% Ilonggo
8% Kapampangan
5% Ilokano
1% Ingles
Telebisyon -itinuturing na
pinakamakapangyariha
ng media sa kasalukuyan.
WikangFilipino ang nangungunang midyum.
Filipino – lingua francang telebisyon,
radio, diyaryo at pelikula
Text -madalas na gingamit ang code-switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag
Social media at sa Intenet -Mapapansing mas pinagiisipan ang mga salita o pahayag bago i-post dahil
mas maraming tao ang
maaaring makabasa nito
Fliptop -Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap o "Modern Balagtasan".
Pick up lines -Sinasabing ito ang makabagong bugtong.
Hugot lines -tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsan corny.