Sinasabi ni Kiko na kung babalikan ang mga alaala ng nakaraan, may iba pa bang laman ang isip kundi si Selya.
Higit niyang inaalala na baka malimot ni Selya ang kanilang pag-iibigan kaya sadyang naghihirap ang kaniyang kalooban.
Itinatanong ni Kiko sa kaniyang sarili kung darating ang pagkakataon na malilimutan niyang alalahanin ang pagsusuyuan nila ni Selya. Ang pag-ibig na ginugol ni Selyasa kaniya at ang pagod na pinuhunan niya.
Ang kaniyang pag-ibig ay mananatili hanggang kamatayan.
Sa pag-alala o pagbalik-tanaw ni Kiko sa nagdaang pag-ibig, inaaliw niya ang kaniyang sarili.
Kaluluwa niya'y laging dumadalaw sa lasanga't nayong dinaanan ni Selya. Inaalala niya ang mga lugar na kanilang tagpuan tulad ng Ilog Beata at Hilom (matatgpuan sa Pandacan). Doon naliligaw ang kaniyang puso. Gayundin ang puno ng manggang kanilang naraanan na ang bunga raw na nakabitin ay nais pitasinng sinta.
Sa kaniyang paggunita ay naluluha siya.
Hinahanap niya si Selya at itinatanong kung bakit hindi na tumagal pa ang kanilang pag-iibigan, hinahanap ang mga panahon kung kailan ang titig ni Selya ang kaniyang buhay, kaluluwa't langit.
Tulad ng isang sinasabi pa niyang bakit hindi nakitil ang buhay nang maghiwalay sila.
Ang kabiguang ito ay siya ring nagbigay inspirasyon sa kaniya upang malikha ang kaniyang walang kamatayang obra maestra.