SAKNONG 1-18: MAPANGLAW NA GUBAT

Cards (13)

  • Sa isang madilim, mapanglaw na gubat (malungkot, matamlay), nahihirapang pumasok ang liwanag.
  • Nakalulunos ang huni ng mga ibon.
  • Namimilipit ang halamang-baging na matinik sa sanga ng kahoy, kulay luksa ang mga bulaklak at masangsang ang amoy.
  • Ang mga punong naroroon ay sipres at higera - walang bunga, malalapad ang dahon.
  • Mga hayop na gumagala:
    • syerpe
    • basiliko
    • h'yena
    • tigre
  • syerpe - ahas
  • basiliko - isang halimaw na ayon sa alamat ay may mukhang kahawig ng sa butiki; umano ang hininga at kislap ng mga mata ay nakamamatay.
  • h'yena - uri ng hayop sa Aprika at Asya; mukha nito'y kahawig ng isang lobo
  • Malapit daw ang gubat sa Abernong Reyno (pintuan ng impyerno) ni Pluto:
    • Aberno o Averno - lawang malapit sa Napoles, Italy na kinikilala ng matatanda bilang pasukan sa impiyerno. Ang tubig nito ay pinagmumulan ng singaw na may napakasamang amoy at ipinalalagay na nakamamatay sa mga ibong nasa tapat nito.
  • Dinidilig ang nasasakupang lupa ng Ilog Kositong makamandag ang tubig
    • Ilog Kositio - ilog sa Epiro, purok ng Albanya; ayon sa mga makata ay isa sa apat na ilog sa Impiyerno, kaya makamandag ang tubig.
  • Sa gitna ng gubat, matatagpuan ang isang makisig na lalaking nakagapos sa puno ng higera - si Florante
  • Florante - inihalintulad kay Narciso at Adonis
  • Florante - makinis ang kaniyang balatm pilikmata't kilay na parang arko, kulay ginto ang buhok.