Tekstong Persuweysib

Cards (13)

  • Tekstong Persuweysib
    Ito ay umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad
  • Elemento ng Panghihikayat
    1. Ethos
    2. Logos
    3. Pathos
  • Ethos (Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/Tagapasalita)

    Ito ay mula sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang "Imahe".
    "Si Catriona Gray ay nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla ng Pilipinas."
  • Logos (Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/tagapagsalita)

    Ito ay salitang Griyego na tumutukoy sa "pangangatwiran" sa pamamagamitan ng paglalatag ng mga datos.
    "Ang Ensure Gold ay mayroong HMB at protein na nakatutulong sa pagpapalakas ng buto at may bitamina at minerals upang palakasin ang immunity."
  • Pathos (Emosyon ng mambabasa/Tagapakinig)

    Ito ay tumatalakay sa "emosyon" o "damdamin" ng mambabasa o tagapakinig."
    "Patalastas sa Jollibee at Nestle."
  • Propaganda Devices
    • Name-Calling
    • Glittering Generalities
    • Card Stacking
    • Testimonial
    • Plain Folks
    • Transfer
    • Bandwagon
  • Name-Calling
    ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin at piliin ng masa.
  • Glittering Generalities
    ito ay pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakasisilaw, at mga mabulakalak na salita o pahayag.
    "Sa patalastas ni James Reid na sinasabing kapag ikaw ay gumagamit ng produktong ginagamit niya ay magiging GWAPO ka sa lahat ng pagkakaton."
  • Testimonial
    kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-eendorso ng isang tao o produkto.
    Papromote ng isang artista ng isang brand ayon sa sarili nitong kagustuhan.
  • Plain Folks
    ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong tao upang mahikayat nang labis ang mga tao.

    Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing din sila sa hirap.
  • Card Stacking
    pinapakita rito ay puro magagandang katangian ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
    Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain dito, nagdudulot ito ng sakit sa bato sa UTI.
  • Transfer
    ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
  • Bandwagon
    Hinihikyat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang karamihan sa masa ay tumatangkilik, at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.