SAKNONG 19-68: LAURA, BAKIT KA NAGTAKSIL?

Cards (32)

  • Patuloy ang pagtangis ni Florante. Itinatanong niya sa Diyos kung bakit hinahayaan Niyang maghari ang kasamaan, kataksilan at kalupitan sa Albanya. Lahat ng ito ay kagagawan ni Adolfo dahil sa labis na paghahangad sa trono ni Haring Linceo at sa kayamanan ni Duke Briseo.
  • Ang mabubuting tao ay piniling manahimik na lamang sapagkat kung sila ay magsasalita laban kay Adolfo ay tiyak na ipapatay sila nito.
  • Hiniling niya sa Diyos na parusahan ang mga nagsasabog ng kasamaan sa Albanya subalit hindi raw siya pinakinggan. Hanggang sa napagtanto niya na anumang mangyari sa balat ng lupa ay may kagalingang ninanais ng Maykapal sa kaniyang nilalang.
  • Kinakausap ni Florante ang Diyos, kung ibig daw ng langit na siya ay maghirap, kaniyang matitiis basta maalala lamang siya ni Laura kahit paminsan-minsan.
  • Sa kabila ng nararanasang sakit at hirap, kaniyang malalampasan sa pamamagitan ng pag-aalala ni Laura na nagsilbing kaniyang kapangyarihan.
  • Kung aalalahanin ni Florante ang pagluha at pag-aalala ni Laura tuwing siya ay malungkot at nahihirapan, ito'y nagsisilbing gamot na nakapagpapawala ng nararamdamang hirap.
  • Nananaghoy si Florante, naibubulas ang mga hinanakit na nararamdaman niya at nasasabing wala nang halaga pa ang mga alalaalang iyon nila ni Laura sapagkat iniwan na siya at sumama kay Adolfo.
  • Lalo pang ninanais ni Florante na mamatay na sapagkat sumasagi sa isip niya ang larawan ni Laura na nasa kandungan na nitong si Konde Adolfo. Nais ni Floranteng mamatay sapagkat ito na lamang ang naiisip niyang paraan o sagot upang 'di na niya maramdaman ang naumang sakit na dulot ng kataksilan ng kaniyang minamamahal.
  • Dumating sa puntong nawala sa ulirat o nahimatay si Florante dahil sa lupit na kaniyang nararamdamang sakit. Siya'y nanlulupaypay at labis ang kaniyang pag-iyak sa kaniyang pagkakatali na halos madiligan ng luha ang kahoy.
  • Sinasabing kahit sinong makakita sa kalagayan ni Florante ay maaawa sa kaniya maging ang kagagawan nito sa kaniya ay tiyak na maaawa at malulungkot.
  • Sa sobrang hirap ng kalagayan ni Florante sa pagkakatali sa puno ng higera, sa sobrang pag-iyak at pagsigaw niya sa kaniyang pinagdadaananan halos mawalan na siya ng boses. Wala na siyang mailuluha pa.
  • Kung may makakarinig lamang sa kaniya, kahit papaano'y maiibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman, gagaan ang pakiramdam.
  • Rinig sa buong kagubatan ang lakas ng panaghoy ni Florante at paghihirap na napakalungkot, sa sobrang lakas nagkakaroon ng alingawngaw o echo.
  • Tinatanong ni Florante kung bakit ibinaling ni Laura sa iba ang ipinangako niyang pagmamahal, naguguluhan siya at nagtataka kung bakit nagawa siyang pagtaksilan sa kabila ng kanilang nagdaang pagmamahalan
  • Isinusumbat ni Florante kay Laura ang sinumpaan niyang pag-ibig sa harap ng langit o sa Diyos, na hindi siya pagtataksilan at ipagpapalit sa iba kaya ibinuhos niya kay Laura ang tapat na pagmamahal kaya hindi man sumagi sa isip niyang hahantong sila sa ganoon.
  • Nagtiwala si Florante sa angking kagandahan ni Laura, inaakala niyang tapat ang puso ni Laura na inihalintulad pa niya sa langit na hindi bumabali sa pangako. Sa likod raw ng kagandahan ay may pagtataksil.
  • Hindi inakala ni Florante na ang lahat ng luhang inaalay ni Laura sa kaniya ay kaniyang sasayangin.
  • Naalala ni Florante ang mga panahong inuutusan siyang manggubat ni Haring Linceo, kahit saan man, kita sa mata ni Laura (perlas) ang tuwa sa paggawa ng mga sagisag o palantandaan para kay Florante.
  • Itinatahi ni Laura ang plumahe (balahibo ng ibon) sa kaniyang parang korales na daliri at ramdam ang pagbubuntong hininga ni Florante.
  • Inalala din ni Florante ang makailang ulit na pag-aabot ni Laura ng bandanang isusuot ni Florante na halos mabasa ng luha, ibinibigay niya ng may pag-aalala sapagkat takot siyang masugatan si Florante sa pakikipaglaban.
  • Sa tuwing ginagamit ni Florante ang baluti't (pananggalang) koleto, tinitingnan muna ni Laura kung may kalawang pagkat 'di niya papayagang madampi o malapat sa katawan ng sinta dahil baka marumihan ang damit niya.
  • Sinisiguro ni Laura na matibay ito at makintab upang dumulas ang anumang patalim at makilala niya agad si Florante mula sa malayo sa gita ng hukbo.
  • Pinalalamutian pa ni Laura ang turbante (tela ipinupulupot sa ulo) ni Florante at pinalalamutian ng mga perlas, topasy (gemstone), rubi, diyamante, binubuo ang letrang L.
  • Kapag hindi sila magkasama tuwing nakikipagdigma si Florante, naghahanap ng pang-aliw sa sariti si Laura, kahit nanalo ito at natanaw na hindi pa rin mawala ang takot ng dilag.
  • Lubos ang pag-aalala ni Laura na baka nagkasugat si Florante kaya hindi siya mapapanatag hangga't hindi niya nasiyasat ang kalagayan ng sinta, kung masugatan man nang bahagya, hindi mapigilang umiyak ni Laura.
  • Kung may gumugulo sa isip ni Florante, itatanong ni Laura kung ano ang dahilan at hangga't hindi niya nalalaman ay hahalikan niya si Florante.
  • Hindi titigilan ni Laura si Florante, kung hindi man sabihin ni Florante, dadalhin niya ito sa hardin at hahanapan ng bulaklak na magsisilbing aliw.
  • Pinipitas ni Laura ang magagandang butaklak at ginagawang kuwintas at isinasabit sa leeg ni Florante, sinisikap niyang mawala o maglaho ang lungkot ni Florante.
  • At kundi mawala-wala ang kalungkutan ni Florante 'di mapigilang lumuha ni Laura, napatatanong si Florante kung nasaan na ang ganoong aruga.
  • Tinatawag ni Florante si Laura dahil kailangan niya ang pagmamahal, aruga't atension ng sinta na dati niyang iniaalay lalo't halos mamatay na siya.
  • Magpapasalamat pa siya kay Adolfo sa kabila ng pagbibigay ng lahat ng hirap kundi niya inagaw si Laura.
  • Inilarawan si Florante na nakayuko, maputla na't parang bangkay.