gawaing pansibiko - tumutukoy sa pagkilos na nakatuon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng ibang tao lalo na ang mahihirap. ito ay binubuo ng isahan o maramihang pagkilos upang mabigyang-pansin ang mga isyu at pangangailangan ng lipunan
mga kaugnay ng konsepto:
sibiko
kagalingang pansibiko
kamalayang pansibiko
kapakanang pampubliko
civil society
pagboboluntaryo
kawanggawa
damayan
pagtutulungan
kapuwa
pakikipagkapuwa-tao
pilantropo
sibiko - kaugnay ng salitang ito ang kagalingan at kapakanan ng tao at lipunan
kagalingang pansibiko - tumutukoy sa mga gawaing panlipunan na nakatutulong upang tugunan ang pangangailangan ng mga tao
kamalayang pansibiko - tumutukoy sa kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa
kapakanang pampubliko - tumutukoy sa pinakamataas na kabutihang maaaring makamit o puwedeng maranasan ng mga mamamayan
civil society - kumakatawan sa mga organisasyon o institusyong nagsusulong ng kapakanan at kagalingan ng publikong sektor (ngo & ahensiya)
pagboboluntaryo - tumutukoy sa kusa at malayang pagkilos o pagganap para maisulong ang kapakanang pampubliko
kawanggawa - kusang-loob na pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
damayan - pagtugon, pakikibahagi, o pagtulong sa kapuwa sa panahon ng pangangailangan o kagipitan
pagtutulugan - pagkakaisa ng mga mamamayan para makamit ang magandang mithiin
pilantropo - isang mayamang tao na bukas-loob na tumutulong sa pamamagitan ng tulong-pinansyal para sa mga nangangailangan
nonprofit organizations - mga nabuong samahan o organisasyon na may natatanging layunin sa lipunan, maaaring naglilingkod sa publiko
alex lacson - founder ng kabayanihan, isang foundation na nagsusulong ng kultura at kagalingan ng mga pilipino
thomas ehrlich - "civic engagement means working to make difference in the civic life of our communities and developing the combination of knowledge, skills, values, and motivation to make that difference."
feeding program - paglikom ng pondo para sa libreng pagpagpapakain sa mga bata at matanda sa sariling komunidad
health care program - pakikipagtulungan sa mga health care provider sa pagbibigay ng serbisyo-medikal
reforestation program / tree planting - pagtatanim ng puno sa mga bakanteng lote o pakikibahagi sa mga tree planting activity
clean and green program / campaign - pakikibahagi sa paglilinis sa kapaligiran at pangangalaga sa mga puno at pananim
waste management program - pakikibahagi sa wastong pagsalansan ng mga nabubulok at di-nabubulok na mga basura
livelihood program - pakikibahagi sa mga gawaing pangkabuhayan
tutorial services - pagtuturo sa kabataan na magbasa, magbilang, magsulat, o mag-aral ng iba't ibang sining
fellowship activities - pakikilahok sa mga spiritual activity, team-building, at retreat
peacekeeping efforts / activities - pakikipagtulungan sa mga awtoridad na panatilihin ang katamihikan at kapayapaan sa komunidad
environmental restoration - pakikibahagi sa pagpapanumbalik ng kagandahan at kalinisan ng kapaligiran tulad ng mga parke, estero, ilog, at mga dalampasigan
wellness program - pakikilahok o pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa mga wellness activity
daycare program - pagboboluntaryo sa mga daycare center
fundraising events - pagsuporta sa mga fundraising activity tulad ng "run for a cause", local concert, at sports fest