Isinalaysay ang pagdating ng gererong Moro o mandirigmang Moro, may turbante, pananamit-Moro, mula sa Persiya.
Naghanap siya ng mapagpapahingahangan, binitawan ang pika (sibat) at adarga (kalasag o pananggalang bilog), pinagdaop ang kamay.
Tumingala si Aladin sa mga punong tinatakpan ang langit, para siyang estatuwa hindi gumagalaw at walang imik, walang tigil din ang kaniyang buntong-hininga.
Nang mangawit siya ay umupo siya sa tabing punongkahoy at tumulo ang luha.
Ipinatong ang ulo sa kaliwang kamay, tinakpan ang noo ng kanang kamay, malalim ang kaniyang iniisip.
Sumandal sa puno ngunit 'di humuhupa ang pag-agos ng luha.
Nagulat si Aladin at maya-maya'y kinuha ang pika't kalasag, galit na galit si Aladin at makikita mo sa kaniyang mukha ang bangis ng Furias.
Furias - mga diyosa sa impiyerno a binubuo ng tatlong babaeng may buhok na ahas
Kundi lang ang ama niya ang umagaw kay Flerida, malamang makapatay siya gamit ang kaniyang pika (sibat).
Sa pagpapakita ng kaniyang buong galit, sinabi ni Aladin na bababa si Marte at aahon si Parkas.
Marte - MITOLOHIYA. Ang kinikilalang Diyos ng Digmaan.
Parkas - tatlong diyosa ng kapalaran.
Makapangyarihan ang pag-ibig, sadyang kinalimutan ni Sultan Ali-Adab ang pagiging ama alang-alang sa pag-ibig ni Flerida na kasintahan ng anak.