SAKNONG 80-109: ANG GERERONG BAYANI

Cards (19)

  • Kapag pinag-uusapan ang pag-ibig, madalas nakalitimutan na ang respeto at nakagagawa ng mali na wala na sa katuwiran masunod lamang ang puso. Umaabot sa puntong nakalilimutan na ang katungkutan o gawain, sa puntong ibinibigay ang buong sarili o buongbuhay.
  • Pagkatapos niyang magsalita, isinaksak niya sa lupa ang pika, bigla niyang narinig si Florante
  • Namangha si Aladin sa kaniyang narinig kaya lumingon-lingon siya sa gubat. Nang wala siyang makita, hinintay niyang magsalita muli si Florante. Di-nagtagal muli niya itong narinig.
  • Lalong nagtaka si Aladin kung sinong nagsasalita sa ganoong lugar, lumapit siya sa pinagmumulan ng tinig at pinagmasdan.
  • Pagkalapit niya, naabutan niyang sinasabi ni Florante na tila kinakausap ang ama na inilarawan niya bilang mapagmahal, tinatanong kung bakit una pang namatay ang duke at siya'y naulila sa gitna ng paghihirap.
  • Inaalala ni Florante ang sinapit ng kaniyang ama sa kamay ng taksil na si Adolfo, naiisip niya ang kinahinatnan ng ama na kakila-kilabot.
  • Inaalala ni Florante ang grabeng parusa ni Adolfo sa kabila ng kabaitan nito.
  • Nagkahiwalay ang lama't buto ng duke, pinugutan ng ulo, walang naawa na magbigay ng disenteng libing sa ama.
  • Lahat ng kaibigan at kakampi ni Duke Briseo ay kumampi sa kaaway, iyong hindi naman kumampi ay natatakot na ibaon ang labi ng duke dahil baka maparusahan.
  • Naalala ni Florante nang tatangkaing patayin (nakatapat na ang kalis o espada sa ulo) na ang ama'y tila naririnig pa niya ang dalangin nitong maligtas siya sa mga kaaway.
  • Umaasa ang ama na matabunan ng bangkay si Florante upang hindi mapasakamay niAdolfo.
  • Sandaling tumigil si Florante at umiyak, halos sumabog ang dibdib ni Aladin sa sobrang awa.
  • Tinakpan ang dibdib at iniisip ni Aladin kung kailan siya mapaluluha ng dahil sa awa at pagmamahal ng ama tulad ni Florante.
  • Sinasabi ni Aladin na ang dahilan ng kaniyang pag-iyak ay ang pag-agaw ng ama sa kasintahan samantalang ang inilutuha ni Florante ay pag-ibig ng namatay na amang mapagmahal. Ninais pa ni Sultan Ali-Adab na siya' y mamatay na lamang.
  • Walang saya o tuwang naranasan si Aladin lalo pa't maagang pumanaw angina.
  • Narinig muli niya si Florante na namamaalam sa sinta.
  • Dinadalangin pa rin ni Florante na nawa'y maging maligaya sa piling ni Adolfo at huwag maranasang limutin at pagtaksilan.
  • Kahit nagtaksil sa kaniya ay mahal na mahal pa rin niya ang sinta. Siya ang kaniyang mamahalin hanggang siya'y mamatay.
    • Hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Florante, bilang dumating ang dalawang leon, nais nilang kainin si Florante ngunit napatigil pagdating sa harap niya. Parang naawa at umamo ang mga leon sa kalagayan ni Florante.