tumutukoy sa panahon ng kasaysayan sa Europa mula ika-14 hanngang ika-16 na dantaon
muling pagkamulat sa kultural at klasikal na kaalaman ng Greece at Rome na nagbibigay sa kahalagahan ng TAO
pagbabalik sigla sa mga makalumanginteres mula sa mga pangangailangang espiritwal noong Panahong Medieval
Pagsilang ng dalawang paniniwala:
Ang tao ay dapat na maging malaya sa paglinang ng kanyang mga kakayahan at interes.
Dapat hangarin ng tao ang lubos na kasiyahan sa pangkasalukuyang buhay.
Ang humanismo ay isang saloobing may pagnanasang gisingin at bigyang-halaga ang kulturang klasikal ng mga Griyego at Romano.
Francesco Petrarch
Itinuturing na pangunahing humanista dahil sa kanyang pagmamahal sa klasika, tinatawag siya na AMA NG HUMANISTA, nilikha niya din ang SONG BOOK
Giovanni Boccacio
Disipulo ni Francisco Petrach, lumikha ng "Decameron" - naglalaman ng 100 nakakatawang salaysay
Niccolo Machiavelli
Isang diplomatikong florentino, naniniwala sa MIGHT IS RIGHT, nagpahayag ng THE END JUSTIFIES THE MEANS, MACHIAVELLIAN ay tumutukoy sa taong handang gumamit ng lakas at dahas sa larangan ng pulitika
Desiderus Erasmus
Siya ay mabagsik na kritiko ng mga katiwalian ng Simbahan, sinulat niya ang IN PRAISE OF FOLLY ito ay tumutuligsa sa di mabuting gawi ng pari at karaniwang tao, siya ay ang PRINSIPE NG MGA HUMANISTA
Leonardo Da Vinci - Isang kilalang pintor, eskultor, arkitekto, musikero, inhinyero, at pilosoper, halimbawa ng kanyang pagiging henyo ay ang pagguhit ng isang EROPLANO, ilan sa mga obra maestra niya ay ang THE LAST SUPPER AT MONA LISA
Raphael - Tinawag na GANAP NA PINTOR dahil sa pagkakatugma, harmonya,at balanse o proporsyon ng kanyang likha. Ilan sa mga pininta niya ay ang SISTINE MADONNA at ang MADONNA OF THE GOLD FINCH. Naipinta niya ang pinakamalaking frescoes sa Vatican gaya ng THE SCHOOL OF ATHENS.
Titian - Isang pintor na taga VENICE, Naging tanyag sa kanyang ipinintang panrelihiyon, Kabilang sa mga nagawa niya ay ang THE CROWNING OF THORNS at TRIBUTE OF MONEY. Maliban sa pagiging pintor, Mahusay din siyang GUMUHIT ng larawan, gaya ng larawan ni PAPA PAUL III at ang PORTRAIT OF MAN IN A RED CAP
PAGPIPINTA AT ESTRUKTURA
Leonardo De Vinci
Michaelangelo
Raphael
Titian
PAGSUSULAT AT PILOSOPIYA
Francesco Petrarch
Giovanni Boccacio
Niccolo Machiavelli
Desiderus Erasmus
Sa ARKITEKTURA
Muling binuhay ang mga bilog na arkong ROMANESQUE at mga haliging HELENIK.
Halimbawa ng arikitektura ay ang St.Peter’s BASILICA sa Rome
Ang malaki at matibay na BOVEDA (dome) ay disenyo ni michaelangelo.
Sa PANITIKAN
Si MIGUEL DE CERVANTES ang pinakatanyag na makatang Español sa panahong ito. Isa siyang nobelista, mandudula, at kawal. Ang kanyang tanyag na akda ay ang Don Quixote de la Mancha.
DON QUIXOTE DE LA MANCHA – isang nobela na nanunudyo sa kabayanihan ng mga kabalyero noong Panahon Medieval.
Sa MUSIKA
Isang bagong anyo ng musika ang sumibol noong panahon ng Renaissance.
Si PALESTRINA ang pinakadakilang mangangatha ng musikang PANSIMBAHAN. Tinagurian siya bilang PRINSIPE NG MUSIKA
Sa EDUKASYON
Ang pagtuklas ng sistema ng PAGLILIMBAG ay nakatulong sa paglaganap ng edukasyon.
JOHAN GUTENBERG - Nakatuklas sa MOVABLE PRESS upang ang
mga aklat ay mailimbag ng mabilis at mabenta sa mas murang halaga na babasahin ng mga tao. Dahil sa pagkakaroon ng mga libro nagkakaroon ng masiglang pagtatalo na pang-edukasyon.
Sa AGHAM
Ang mga GRIYEGO ang nagbukas ng daan tungo sa makabagong agham.
Ang mga PAHAM ay nagsimulang mag-umpisa tungkol sa daigdig at nagsimula rin silang magsaliksik o magmasid para sa kani-kanilang kasiyahan.
COPERNICUS - Isang astronomong taga-POLAND na nagsabi na ang daigdig ay UMIIKOT SA AKSIS nito at umiikot kasabay ng ibang PLANETA. Siya rin ang nagpaliwanag na ang kalangitan ay maaring ipaliwanag sa pamamagitan ng PAYAK na alintuntunin sa MATEMATIKA.
KEPLER
Nakatuklas ng mga alintuntuning pangmatematika sa LANDAS NA TINATAHAK ng mga planeta habang ang mga ito'y umiikot sa araw
GALILEO GALILEI
Isang Italiang sayantist na nakaimbento ng TELESKOPYO na nakatulong upang mapatunayan niya ang pahayag ni copernicus
SIR ISAAC NEWTON
Isang bantog na sayantist at matematisyang INGLES ng Renaissance
LAW OF UNIVERSAL GRAVITATION
Pinaliwanag niya ang sanhi kung bakit ang mga bagay na inihagis paitaas ay bumabalik sa lupa, ito raw ay dahil sa GRAVITY
MERCATOR
Nakaimbento ng PAYAK na larawan ng MAPA ng Daigdig
PERACELSUS
Nakatuklas sa kahalagahan ng mga MINERAL na GAMOT
Sa MEDISINA
WILLIAM HARVEY - natuklasan niya ang pagsirkulasyon ng DUGO sa katawan
VESALIUS - pinasimulan niya ang anatomya sa kanyang DE HUMANI CORPORIE FABRICA