Nagpaalam si Florante sa bayan ng Albanya na binalot na ng kasamaan, kalupitan, bangis, kataksilan. Siya bilang tagapaligtas ay pinatay at ipinahahayag ang panghihinayang sa bayang pinaglingkuran.
Kinakausap ni Florante ang Albanya at sinasabing ipagtanggol ang sarili sa katauhan ng mga mapagmahal na nasasakupan.
Binalewala umano ng Albanya ang sumpa ni Florantengipagtanggol ang kaharian.
Simula pa noong pagkabata, wala nang ibang pinangarap si Florante kundi paglingkuran at arugain ang bayan.
Sinasabi ni Floranteng tanging kamatayan ang kabayarang ibinigay sa kaniya ng Albanya ngunit pasasalamantan ang mga sumakop dito kung pakamamahalitlingatan ang bayan at ang sinta.
Sinasabing magdiwang na ang mga mananakop, si Adolfo't si Laura sapagkat sa kaniyang pagkawala' y magagawa na nila ang kaniyang gusto.
Ang pinakamapait sa lahat ng dusa ni Florante ay ang mamamatay siyang hindi na mahal niLaura sapagkat wala nang makaaalala sa kaniya.
Umiyak si Florantehindi para sa kaniyang sarili kundi para sa naudlot nilang pagmamahalan ni Laura.