-ANG BAWAT TAO AY MAYROONG PANGUNAHING KARAPATAN NA HINDI MAAARING IPAGKAIT SA KANYA. ITO AY TINATAWAG NA KARAPATANG PANTAO O HUMAN RIGHTS
ANG KARAPATANG PANTAO AY MAGKAKAUGNAY, PANGKALAHATAN, PANTAY AT HINDI MAAARING IPAGKAIT
NAKATUON ANG KONSEPTO NG KARAPATANG PANTAO SA PANGANGALAGA SA BUHAY, PAGBIBIGAY NG PROTEKSYON AT PAGSULONG SA DIGNIDAD NG ISANG TAO
KARAPATANG LIKAS - ITO AY TUMUTUKOY SA KARAPATANG PAYAK O LIKAS SA PAGIGING ISANG TAO NA KAHIT HINDI MAN ITINADHANA NG SALIGANG BATAS AY NAAAYON SA KANYANG URI O KATANGIAN BILANG TAO PARA MATAMO ANG GANAP NIYANG PAGKATAO O MITHIIN SA BUHAY
KARAPATANG STATUTORY - ITO AY MGA KARAPATANG KALOOB NG MGA BATAS NA PINAGTIBAY NG KONGRESO O TAGAPAGBATAS
KARAPATANG KONSTITUSYONAL - MGA KARAPATANG NAKAPALOOB SA 1987 SALIGANG BATAS NA TUWIRANG NAISULAT SA IKATLONG ARTIKULO O BILL OF RIGHTS
ANG IKATLONG ARTIKULO AY KILALA DIN BILANG BILLOFRIGHTS
PINAGDIRIWANG ANG HUMAN RIGHTS DAY SA DESYEMBRE10
KARAPATANG SIBIL - NAKATUON SA PAMUMUHAY NANG PAYAPA, MALAYA,AT MAY WASTONG PAGKAKAKILANLAN
KARAPATANG POLITIKAL - KINAKATAWAN NITO ANG KARAPATAN NA MAKILAHOK SA PAGTATAKDA AT PAGDEDESISYON SA PAMUMUNO AT PROSESO NG PAMAMAHALA NG BANSA
KARAPATANG PANLIPUNANATPANGKABUHAYAN - MGA INDIBIDWAL O KOLEKTIBONG KARAPATAN NA NAGTITIYAK SA MAAYOS NA PAMUMUHAY
KARAPATANG KULTURAL - TUMUTUKOY SA MGA KARAPATAN NG BAWAT MAMAMAYAN NA MAISABUHAY, MAIPAGMALAKI, AT MAKAPAG-AMBAG SA KULTURA NG KANYANG LAHI AT PAMAYANAN
KARAPATAN NG NASASAKDAL - PINANGANGALAGAAN NITO ANG MGA TAONG AKUSADO O NASASAKDAL SA ANUMANG PAGLABAG SA BATAS
ANG IBIGSABIHIN NG UDHR AY UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS AY ANG PINAKATANYAG NA DOKUMENTO NA NAGTATAGUYOD NG KARAPATANG PANTAO
UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS AY ANG UNANG PANDAIGDIGANG DOKUMENTO NA NAGBIGAY LINAW SA MGA URI NG KARAPATAN NA DAPAT MATAMASA NG LAHAT
PISIKAL - ANYO NG PAGLABAG NG KARAPATANG PANTAO NA DIREKTANG NAKASAKIT O NAKAPAGDULOT NG KAPAHAMAKAN NG ISANG TAO
SIKOLOHIKAL - ANYO NG PAGLABAG NG KARAPATANG PANTAO NA NAGDUDULOT NG TRAUMA O MATINDING EPEKTO SA KAISIPAN AT PAMUMUHAY NG ISANG TAO
ESTRUKTURAL - ANYO NG PAGLABAG NG KARAPATANG PANTAO NA HINDI DIREKTANG PAG-ATAKE SA ISANG TAO BAGKUS ITO AY NAKATALI SA MGA PANLIPUNANG SISTEMA
KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO:
ITO AY PARA SA LAHAT
ITO AY MAY PANDAIGDIGANGGARANTIYA
ITO AY BINIBIGYANGPROTEKSIYON NG MGA BATAS
NAKATUON ITO SA DIGNIDAD NG TAO
HINDI ITO MAAARINGIPAGKAIT O ALISIN MALIBAN SA ILANG KARAPATAN SUBALIT ITO AY NANGANGAILANGAN NG DUEPROCESS
1987 - TAON KUNG KAILAN TINATAG ANG SALIGANG BATAS