Filipino

Cards (30)

  •   Ang tugma sa pare-pareho o halos magkasintunog sa hulian ng bawat taludtod ng tula, maaari itong patinig o katinig.
    1. Tugmang Patinig- Salitang nag tatapos sa iisang patinig na may pare-pareho ring bigkas. Maaaring mabilis o malumay, at malumi o maragsa.
  • Tugmang Katinig- Mga salitang nagtatapos sa katinig.
  • Tugmang Malakas- Ginagamitan ng patinig na, a, e-i, o-u. Nagtatapos sa mga katinig na b, k, d, g, p, s at t
  • Tugmang Mahina- Ginagamitan din ng parehong patinig tulad ng a, e-i, o-u at nag tatapos naman sa katinig na l, m, n, ng, r, w,
    at y.
  •  Sukat - Ito ay bilang ng pantig sa bawat   taludtod.
  • Saknong- Pagpapangkat ng mga  taludtod o linya ng tula. Mayroon iba’t-ibang bilang ng taludtod
  • • 6 taludtod sa isang saknong o setset• 7 taludtod sa isang saknong o septet• 8 taludtod sa isang saknong octave
  • • 2 taludtod sa isang saknong o couplet• 3 taludtod sa isang saknong o tercet• 4 taludtod sa isang saknong o quatrain• 5 taludtod sa isang saknong o quintet
  • larawang diwa / Imagery - Nag iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa sa isip ng mambabasa.
  • Simbolismo - Mga bagay na ginagamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan
  •  karikitan - Nagtataglay ng mga maririkit na salita na napaka loob sa tula.
  • Pang-ugnay sa Pagsasalaysay– ito ay mga salita o parirala na ginagamit upang maging magkaugnay ang mga pangungusap na isusulat sa isang talata.
    • pagdaragdag o pag pupuno - at , at saka, pati, gayundin, bukod dito, dagdag pa rito, susunod, sa ibabaw ng lahat, rin/din, una( ikalawa, ikatlo….)
    • pagtutulad paghahambing - gaya ng, katulad ng, kawangis ng, gayundin(naman), animo`y, kapara, tila
    • Pagiiba - ngunit , subalit , datapwat , sa kabilang dako, maliban sa/kay
  • Bunga Kinalabasan - sa ganoon/sa ganito, sa wakas, sa dakong huli, kung gayon, samakatuwid, sa madaling sabi, alinsunod dito , bilang resulta
  • Paglipas ng panahon- -samantala, habang, sa bandang huli, sa loob ng madaling panahon, di naglaon, hanggang sa
    • Pagwawakas- sa wakas, sa kabuoan, sa madaling salita, bilang pagwawakas, kaya nga, sa kalahatan, suma-total
  • Simoun - Ang mayamang magaalahas na nakasalaming may kulay na umano’y tagapayo ng Kapitan General ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
  • Kabesang tales - Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamayari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
  • Isagani - Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito si Isagani ay isa sa mga estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang kastila ang Pilipinas.
  • Basilio - Anak ni Sisa na isa nang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
  • Juli - Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Siya’y may sinapit na masaklap na kapalaran.
  • Don Custodio - Kilala sa tawag na Buena Tinta. Nasa kamay niya ang desisyon sa pagtatag ng akademya ng wikang Kastila.
  • Ben Zayb - Isang mamahayag na hindi totoo sa kanyang salita at mahilig magsulat ng sariling bersyon ng mga pangayayari o balita.
  • •TANDANG SELO - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo . •PLACIDO PENITENTE - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan. •BEN ZAYB - ang mamamahayag sa pahayagan .•PADRE SALVI - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego. •PADRE CAMORRA - ang mukhang artilyerong pari .•PADRE FERNANDEZ - ang paring Dominikong may malayang paninindigan. •PADRE IRENE - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila•
  • •SENYOR PASTA - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal. •JUANITO PELAEZ - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila •MACARAIG - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. •DONYA VICTORINA - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita .•SANDOVAL - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral••
  • •QUIROGA - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. •PAULITA GOMEZ - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez .•IMUTHIS - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds •HERMANA BALI - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.• HERMANA PENCHANG - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. •PEPAY - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.••
  • •GINOONG LEEDS - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya .•CAMARONCOCIDO - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. •TIYO KIKO - matalik na kaibigan ni Camaroncocido. •GERTRUDE - mang-aawit sa palabas. •PACIANO GOMEZ - kapatid ni Paulita. •DON TIBURCIO - asawa ni Donya Victorina.•