Paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga particular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran
Tumutuklas ang tao ng iba't ibang paraan kung paano mapabubuti ang kaniyang pamumuhay sa pamamagitan ng iba't ibang imbensyon at kaalaman
Lumalawak ang karanasan ng mananaliksik, hindi lamang tungkol sa partikular na paksang pinag-aaralan niya, kundi sa lipunang nagsisilbing konteksto ng kaniyang pananaliksik
Nagkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapwa at makita ang bisa ng pananaliksik upang mapabuti, hindi lamang ang kaniyang sarili, kundi maging ang iba
Maka-Pilipinong Pananaliksik
Gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan
Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino
Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok nito o pinatutungkulan ng pananaliksik
Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik
Dahil sa lawak ng agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang mamamayang Pilipino sa akademya at mga edukado, mahalagang tungkulin din ng pananaliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito
Ang mga probisyong kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang pambansa sa pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon at pamahalaan
Inalis na bilang batayang asignatura ang anim hanggang siyam na yunit ng Filipino
Ingles pa rin ang lehitimong wika ng sistema ng edukasyon at lakas-paggawa
Dahil sa daluyong ng globalisasyon, magng ang pamantayan sa pananaliksik ng mga unibersidad at kolehiyo ay umaayon na rin sa pamantayan ng internasyonal na pananaliksik
Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na batayan sa paggamit ng wika kaya halos hindi pa ginagamit na wikang panturo ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan tulad ng agham panlipunan, agham at teknolohiya, matematika, pagsasabatas at pamamahala, medisina, at iba pa
Kapag bagong-bago ang paksa na nais talakayin, kadalasang hindi sapat ang nasusulat na mga naunang pag-aaral at literaturang kaugnay nito
Maaaring hatiin ang isang malaking paksa sa maliit na bahagi at pumili lamang ng isang aspekto nito na tiyak na sasaklawin
Kahit na luma ang isang paksa, depende sa pagtingin sa ibang anggulo ng mananaliksik, ay maaari itong makapagbigay ng bagong tuklas na kaalaman
Tiyakin na ang tanong ng pananaliksik ay hindi laging basta masasagot ng mga dati nang pangkalahatang kaalaman o paliwanag na makukuha sa Internet o nailathala na sa libro