AP 10 Q4 Karapatang Pantao

Cards (22)

  • Karapatang Likas o Natural
    Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Ang karapatang ito ay likas at wagas para sa lahat. Halimbawa nito ay ang mabuhay ng puspos, ang magkaroon ng sariling pangalan, identidad o pagkakakilanlan, at dignidad. ang paunlarin ang iba't-ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng pisikal, mental, al espiritwal.
  • Karapatan Ayon sa Batas
    Ito ang mga karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyang proteksiyon ng Konstitusyon ng bansa. Maaaring baguhin, dagdagan, o alisin ang mga ito sa pamamagitan ng mga susog sa Konstitusyon.
  • Uri ng Karapatan Ayon sa Batas
    • Karapatang Sibil o Panlipunan
    • Karapatang Pampolitika
    • Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan
    • Karapatang Pangkuitura
    • Mga karapatan ng akusado/Nasasakda (Rights of the Accused)
  • Karapatang Sibil o Panlipunan
    Nakapaloob nito ang karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay, kalayaan kalayaan sa pagsasalita, pag- iisip, pag-oorganisa, pamamahayag, malayang pagtitipon, pagpili ng lugar na titirhan, at karapatan laban sa diskriminasyon. Kabilang din ditto ang maging Malaya at makapaglakbay.
  • Karapatang Pampolitika
    Kinatawan nito ang karapatan na makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumo at proseso ng pamamahala sa bansa gaya ng pagboto, pagkandidato sa eleksiyon, pagwewelga bilang bahagi ng pagreklamo sa gobyerno, at pagiging kasapi ng anumang partidong polotikal.
  • Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan
    Nagpapatungkol ito sa mga karapatan sa pagpili, pagpupursige, at pagsulong ng kabuhayan, negosyo, hanapbuhay, at disenteng pamumuhay nang ayon sa nais, nakahiligan, at nagustuhang karera. Naglalaman ito ng karapatan na magkaroon ng ari-arian, maging mayaman, at gamitin ang yaman at ari-arian sa anumang nais basta't ito ay naaayon sa batas.
  • Karapatang Pangkuitura
    Nakapaloob dito ang karapatan na makibahagi at lumahok sa pagsasabuhay, pagpapatuloy, at pagpapalawak ng sariling tradisyon, gawi, at pag-uugali. Karapatan ng tao na ipakita sa iba ang katangian ng kinakailangang kultura bilang bahagi ng isang grupo, tribo, o lahi na iniingatan ang mga tradisyong nakagawian hangga't ang mga ito ay sakop ng saligang batas.
  • Mga karapatan ng akusado/Nasasakdal (Rights of the Accused)
    Pinangangalagaan nito ang mga taong akusado o nasasakdal sa anumang paglabag sa batas. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang karapatan sa pagpapalagay na siya ay walang sala hangga't hindi napapatunayan ang kasalanan at may karapatan laban sa di-makatarungang parusa.
  • Ang statutory Rights ay ang Karapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng Kongreso o tagapagbatas.
  • Mga Halimbawa ng Statutory Rights ay Karapatang tumanggap ng naayon sa pinakamababang sahod, kaparatang magmana Ng mga pag-aari, Karapatang makapag-ari, at Karapatang makapag-aral ng libre.
  • Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia ang lungsod ng Babylon, pinalaya ang mga alipin, at ipinahayag ang pagkakaparitay-pantay ng lahat ng lahi
    539 B.C.E.
  • Cyrus Cylinder
    Tinagurian bilang "world's first charter of human rights"
  • Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome
  • Mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya

    • Judaism
    • Hinduism
    • Kristiyanismo
    • Buddhism
    • Taoism
    • Islam
  • Mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya

    Nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa
  • Sapilitang lumagda si John 1, Hari ng England, sa Magna Corto, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England
    1215
  • Sa Magna Corto, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa
  • Ipinasa ang Petition of Right sa England, naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan
    1628
  • Inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-batas ng kanilang bansa, nakapaloob ang Bill of Rights na nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa
    1787
  • Nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI, sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan
    1789
  • Isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland, kinilala bilang The First Geneva Convention na may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon
    1864
  • Itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights
    1948