Isang set ng pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo
Dulog Pormalistiko
Pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda
Pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng dulog na ito
Dulog Moralistiko
Ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao
Tama o mali, ayon sa itinatakda ng lipunan
Dulog Sikolohikal
Damdaming namayani sa tauhan
Pagmamahal, paghanga, pagkadakila
Takot, galit, pagkabigo
Masuri ang emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal
Teorya
Pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito
Teoryang Pampanitikan
Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa
Feminismo
Nagpapakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan
Feminismo
'Sa ngalan ng Ina, ng Anak ng Diwata't Paraluman' ni Lilia Quindoza Santiago (tula)
'Sandaang Damit' ni Fanny Garcia (maikling kwento)
Realismo
Ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat
Realismo
'Banaag at Sikat' ni Lope K. Santos
'Satanas sa Lupa' ni Celso Carunungan
'Laro sa Baga' ni Edgar Reyes
'Ito Pala ang Inyo' ni Federico Sebastian (dula)
Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence)
Eksistensyalismo
'Ako ang Daigdig' ni Alejandro G. Abadilla
Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog
Historikal
'Noli Me Tangere' at 'El Filibusterismo' ni Dr. Jose P. Rizal
'Dekada 70' ni Lualhati Bautista
Humanismo
Pagpapakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp
Humanismo
'Si Mabuti' ni Genoveva Edroza Matute
Panitikan
Nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao
Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda
Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka" na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo
Kahalagahan ng Panitikan
Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan
Upang matalos natin na tayo'y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba't ibang mga bansa
Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito
Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad
Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin
Bayograpikal
'Utos ng Hari' ni Jun Cruz Reyes
'Anim na Sabado ng Beybleyd' ni Ferdinand Jarin
'Connect the Dots' ni Genaro Gojo Cruz
Patula
Nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.
Tuluyan
Nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata. Maari din itong tawaging prosa.
nobela
Isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.
Maikling Kuwento
Isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."
Pabula
Mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing.
alamat
Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
parabula
Isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Dula
Isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Talumpati
Kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala
Talambuhay
Isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon
Balita
Mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.
Sanaysay
Isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
anekdota
Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
talaarawan
Personal na tala ng mga karanasan, pag-iisip at/o repleksyon na regular na isinusulat at karaniwang tinatago. Maaari itong nasa kwaderno o elektronikong dokumento.
Tulang Patnigan
Isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag-iisip.
Tulang PASALAYSAY
Tulang may pangunahing tauhang gumagalaw.
Epiko
Uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala
korido
Isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong
awit
Mga tulang nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian tulad ng hari, reyna, prinsepe. Ito ay mayroong labindalawang pantig sa kada saknong.