Kontemporaryo - Pangyayaring naganap sa nakalipas na mga dekada na nakaapekto sa kasulukayan
isyu- paksa, tema, o suliraning nakaapekto sa lipunan
Ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng deabte, at may malaking epekto sa pamumuhay ng tao sa lipunan. Isyu
KontemporaryongIsyu - tawag sa pangyayaring bumagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasulukayang panahon.
Primarya at sekundaryangsanggunian - nakakatulong sa paggawa ng mahahalagang desisyon tungo sa pakikilahok sa iba't ibang proyekto ng paaralan, lipunan, at bansa
PrimaryangSanggunian- mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito.
sekundaryangsanggunian- impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan.
nagbabago ang impormasyon ayon sa sumulat o naglalahad ng ng mga pangyayari. -Sekundaryangsanggunian
katotohanan- totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga actual na datos
opinyon - kuro-kuro, palagay, impresyon, o haka-haka
Pagkiling- ang mga paglalahad ay dapat balanse, Kailangang ilahad ang kabutihan at ang hindi ang kabutihan ng isang bagay
hinuha - pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay
paglalahat- hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon
kongklusyon- ang desisyon, kaalaman, o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mahahalagang ebidensyia o kaalaman
ano ang mahalagang sanggunian na tungkol sa mga kontemporaryong isyu na naganap mahigit 200 taon na ang nakaraan?