AP Cn 1 and 2 quiz

Cards (44)

  • Economic Development – Tumutukoy sa pangkalahatag pagtaas ng antas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa isang bansa. Pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamagitan ng pag papatupad ng mga polisiyang maaring mag alis ng kahirapan.
  • Economic Growth – ay ang pag laki ng ekonomiya dahil sa pagtaas ng kapasidad nito na makapagprodyus ng mga produkto at serbisyo kumpara sa nakaraang yugto o mga taon. Ito ay batay sa GDP, GNP, at GNI ng ekonomiya.
  • Michael Todaro – Isang development economist, hindi lamang impraestraktura ang purong batayan ng maunlad na ekonomiya, bagkus ito ay isang proseso ng pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga tao sa isang bansa. Ito ay isang multidimensional na pagbabago ng buong ekonomiya at panlipunang Sistema ng bansa.
  • Simon Kuznets – Ang kaunlaran ay batay lamang sa paglaki ng ekonomiya at mga aspetong pang-ekonomiya gaya ng produksyon, pag-empleo, at dami ng produktong nagagawa. Taliwas kay Todaro, hindi napagtutuunan ng pansin ang pagbabago sa kabuhayan ng mga tao ang kaunlaran.
  • Sustainable Development – Ay isang hangarin kung saan kaakibat ng pagunlad ng pamumuhay ang tamang pag-aalaga sa kalikasan.
  • Distributive Justice – ang kaunlaran ng isang bansa ay hindi lamang nakatuon sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ilang bahagi ng lipunan, bagkus ay ibinabahagi nang pantay-pantay ang lahat ng yaman sa bansa.
  • Teoryang Trickle Down Economy – Dapat mayroong tuwirang epekto sa pagbabago at pagunlad ng ekonomiya sa mga aspekto ng pang araw araw na pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan. Kinikilala ng teoryang ito na imbis na mapunta sa pamahalaan ang salapi, mas Mabuti na sa mga mamamayan ito mapunta.
  • United Nations (UN) – Naglunsad ng dalawang pangkat ng mga tunguhin na dapat na maisagawa ng mga bansa. Layunin ay hikayatin ang mga bansa na magpatupad ng hakbangin tungo  sa pag-unlad ng kanilang bansa.
  • Millennium Development Goals (MDG) – Sinimulan noong 2000 at natapos noong 2015
  • Sustainable Development Goals (SDG) – Plano ng kaunlaran na ipinatupad ng UN. Ito ay may mas malawak na mga tunguhin kaysa sa MDG at binubuo ng 17 na puntos na dapat maisagawa hanggang 2030. Nagsimula noong 2016 at matatapos sa 2030.
  • SDG 1 NO POVERTY – Kailangang mawala ang anumang kahirapan sa buong mundo.
  • SDG 2 ZERO HUNGER – Kailangang mawala ang gutom, magkaroon ng seguridad sa pagkain at nutrisyon, at magkaroon ng sustainable na paraan ng agrikultura sa bansang mahihirap.
  • SDG 3 GOOD HEALTH AND WELL-BEING – Kailangang masigurado ang kaligtasan at kalusugan ng lahat ng mga mamamayan
  • SDG 4 QUALITY EDUCATION – Kailangang masigurado ang pagkakaroon ng ingklusibo, pantay at patas na kalidad ng edukasyon para sa lahat.
  • SDG 5 GENDER EQUALITY – Kailangang magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga kasarian
  • SDG 6 CLEAN WATER AND SANITATION FOR ALL – Kailangang masiguro ang sapat na suplay ng tubig at sanitasyon sa lahat ng mga komunidad.
  • SDG 7 AFFORDABLE AND CLEAN ENERGY – Kailangang masiguro ang accessibility at sustainability ng enerhiya sa lahat ng mga lugar.
  • SDG 8 DECENT WORK AND ECONOMIC GROWTH – Kailangang magkaroon ng ingklusibong paglaki ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hanapbuhay at pagkakakitaan ng mga mamamayan.
  • SDG 9 INDUSTRY, INNOVATION, AND INFRASTRUCTURE – Kailangang makabuo ng impraestrakturang susuporta sa industriyalisasyon ng bansa.
  • SDG 10 REDUCED INEQUALITIES – Kailangang mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa loob ng bansa.
  • SDG 11 SUSTAINABLE CITIES AND COMMUNITIES – Kailangang makabuo ng mga lungsod na ingklusibo, ligtas at hindi masisira ng kalamidad
  • SDG 12 RESPONSIBLE CONSUMPTION OF PRODUCTION – Kailangang masigurado na maayos at sustainable ang paraan ng pagkonsumo ng mga konsyumer at produksiyon ng pabrika.
  • SDG 13 CLIMATE ACTION – Kailangang makagawa ng hakbang upang malabanan ang climate change
  • SDG 14 LIFE BELOW WATER – Kailangan na maayos ang paggamit ng karagatan
  • SDG 15 LIFE ON LAND – Kailangan na mabigyan proteksyon ang maayos na paggamit ng ecosystem sa kalupaan at kagubatan.                             
  • SDG 16 PEACE, JUSTICE AND STRONG INSTITUTIONS – Kailangang masigurado ang kapayapaan at pagiging ingklusibo ng mga lipunan upang magkaroon ng sustainable development, at magkaroon ng katarungan para sa lahat.
  • SDG 17 PARTNERSHIPS FOR THE GOALS – Kailangang mapatatag ang mga institusyon na nagbibigay suporta sa mga nabanggit na tunguhin.
  • United Nations Development Program (UNDP) – Gumawa ng isang Sistema ng klasipikasyon batay sa sukatan ng pambansang kita (GNI at GDP). Kinilala ang mga bansa bataysa apat na uri:
  • Ang PILIPINAS ay nabibilang sa DEVELOPING ECONOMIES
  • Human Development Index (HDI) – Upang mabigyan-diin ang kakayahan ng mga tao bilang pangunahing batayan ng pagsukat ng pag-unlad ng mga bansa, sa halip na ang paglaki ng ekonomiya.
  • Mahbub ul Haq at Amartya Sen – Itinatag ang HDI at inilimbag ng UN noong 1990
  • Physical Quality of Life Index (PQLI) - isang sukatan at klasipikasyon ng bansa na nag tatangkang alamin ang antas ng kasaganahan sa buhay ng mga tao.
  • Economic Freedom Index – Sinusukat nito ang Kalayaan at karapatang pang-ekonomiko ng mga tao sa kanilang bansa. Inuuri ang EFI sa 5 na antas: free economies, mostly free economies, moderately free economies, mostly unfree economies at repressed economies.
  • Mayroong 10 palatandaan upang masukat ang kaunlaran batay sa EFI:
    -         Business Freedom
    -         Investment Freedom
    -         Trade freedom
    -         Fiscal Freedom
    -         Monetary Freedom
    -         Financial Freedom
    -         Government Spending
    -         Labor Freedom
    -         Property Rights
    -         Freedom from Corruption
    1. Ang kaunlaran bilang pakikipaglaban sa kahirapan - Kailangang magkaroon ng kaunlaran upang malabanan ang kahirapan ng mga tao sa isang bansa.
  • 2. Ang kaunlaran ay ang pagsusuri ng pangmatagalang pagbabago sa lipunan – ang kahirapan ay isa lamang sa aspekto ng lipunan na dapat ay mabago.
  • Gunnar Myrdal (1986) – Ang kaunlaran ay nakabatay sa ba’t ibang idea ng modernisasyon. Ayon sa kaniyang aklat na Asian Drama: An Inquiry into the Poverty of Nations, pinag-aralan ni Gunnar Myrdal ang iba’t ibang dahilan ng kahirapan ng bansa.
  • Populasyon – Kinikilala ng mga ekonomista ang gampanin ng populasyon sa pagpapaunlad ng bansa.
  • Overpopulation – Masyadong mataas na populasyon ng isang bansa at hindi sapat na likas na yaman.
  • Kahirapan – Pangunahing suliraning pang-ekonomiya ng bansa.