Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral
Makapangyarihan siya kaya iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at maging ng mga prayle
Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon, linisin ang bayan, at lipulin ang lahat ng masasama kahit siya ay inuusig ng kanyang budhi sa paraang kanyang ginagawa
Kapitan-Heneral
Hinirang siya ng Espanya bilangpinakamataas na pinuno ng pamahalaan
Sinasabi niyangkailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain
Nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa niya ang importanteng pagpapasiya habang naglilibang at sa pagmamadali
Larawan siya ng pinunong pabigla-biglang humatol
Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan
Salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani
Mataas na Kawani
Siya ay isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at may kapanagutan
Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila
Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-isipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani
Maging ang pasiya ng Kapitan-Heneral ay kanyang tinutuligsa kapag ito ay hindi 'marapat at mabuti
Siya ay mapanuri at makatarungan
Padre Florentino
Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino si Padre Tolentino kahit pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata
Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila sa magulang
Padre Bernardo Salvi
Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle
Siya ay mapag-isip
Umibig siya nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago
Padre Hernando Sibyla
Isang matikas at matalinong paring Dominiko
Siya ang Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas
Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral
Padre Irene
Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra
Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante
Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago
Padre Fernandez
Isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral
Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong estudyante sa pag-aaral ng wikang Kastila
Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng kapwa niya prayle
Padre Camorra
Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong mga bagay na maibigan
Siya ang kura ng Tiani
Wala siyang galang sa mga kababaihan lalo na sa magagandang dilag
Padre Millon
Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika
Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral
Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa noon
Telesforo Juan de Dios
Kilala rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain
Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera
Pinili siyang maging Kabesa ng Barangay ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao
Juliana o Juli
Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales
Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya
Tunay siyang mapagmahal sa pamilya
Tapat at marunong din siyang maghintay sa katipang si Basilio
Tata Selo
Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubatnang tumakas sa guwardiya sibil sa Noli Me Tangere
Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales
Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano
Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay
Tano/Carolino
Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo
Nawala nang matagal na panahon at nang magbalik ay siyang naging dahilan ng kasawian ng mahal niya sa buhay
Basilio
Nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago
Nagpunyagi siya sa pag-aaral
Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay
Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng pagtatapos
Isagani
Isang malalim na makata o manunugma
Mahusay siyang makipagtalo
Matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman
Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain
Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino
Makaraig
Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila
Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, nakalulugod na mag-aaral, at palabasa ng iba't ibang aklat kaya't nangunguna sa pagbabago
Siya ay napakayaman at bukas-palad sa kapwa
Placido Penitente
Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ito
Kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang sumasabog at walang kinatatakutan
Pecson
Mapanuring mag-aaral si Pecson
Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba't ibang usapin
Hindi siya agad naniniwala sa mga bali-balita lamang kaya tila lumalabas sa iba na siya ay mapangambahin at laging nag-aalala
Juanito Pelaez
Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero
Laging inaabuso at tinatakot si Placido
May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao dahil nakakamit niya ang mga nais
Masugid siyang manliligaw ni Paulita Gomez na pinaboran ng tiyahin ng dalaga na si Donya Victorina
Sandoval
Isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino
Mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan
Nais niyang mailabas ang katotohanan sa isang usapin
Tadeo
Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor
Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa
Siya ay may kahambugan, walang ambisyon sa buhay, at malaswang magsalita
Nagdudunong-dunungan siya at nagyayabang sa walang-muwang na nilalang
Paulita Gomez
Isang masayahin at ang napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki
Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani
Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili
Donya Victorina de Espadaña
Larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi
Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi
Don Tiburcio de Espadaña
Isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang hindi na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito
Siya ang larawan ng mga lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
Dating kaibigan ng mga prayle subalit sumama ang loob sa mga ito
Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok na si Maria Clara sa monasteryo
Nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan
Nawala siya sa katinuan
Siya ang naging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio
Maria Clara delos Santos
Ang tanging babaeng inibig ni Simoun sa kanyang buhay
Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas
Nais siyang kunin at itakas ni Simoun sa monasteryo
Kapitan Basilio
Isangmayamang mamamayan na taga-San Diego
Siya ang ama ni Sin
Victorina
Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi
Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi
Don Tiburcio de Espadaña
Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang hindi na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito
Larawan ng mga lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
Dating kaibigan ng mga prayle subalit sumama ang loob sa mga ito
Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok na si Maria Clara sa monasteryo
Nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan
Nawala siya sa katinuan
Siya ang naging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio
Maria Clara delos Santos
Ang tanging babaeng inibig ni Simoun sa kanyang buhay
Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas
Nais siyang kunin at itakas ni Simoun sa monasteryo
Kapitan Basilio
Isangmayamang mamamayan na taga-San Diego
Siya ang ama ni Sinang at asawa ni Kapitana Tika
Galante sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor na kanyang kakailanganin
Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
Nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa
Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan-Heneral dahil sa likás niyang talino
Alam na alam ni Don Custodio ang kanyang tungkulin subalit kakatwa ang kanyang mga panukala at pasiya sa mga ito
Ben Zayb
Ang mamamahayag na malaya raw mag-isip
Minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala
Mababa ang pagtingin niya kay Padre Camorra
Siya ang utak sa lumalabas na magaganda at mabubuting balita tungkol sa Kapitan-Heneral at sa iba pang matataas na opisyal upang mapalapit siya sa mga ito
Ginoong Pasta
Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya nagingpinakatanyag na abogadong Pilipino
Dati siyang kaklase ni Padre Florentino
Mapanuri at namimili siya ng kausap
Takot siyang mamagitan para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at tila walang malasakit sa kanilang kabutihan
Pepay
Isang kaakit-akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwangPilipina
Mahilig siyang humingi ng mga pabor sa "kaibigang" si Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog
Kaibigan din niya si Juanito Pelaez
Hermana Bali
Isangbatikang panggingera
Siya ang nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga may suliranin sa kanilang baryo
Siya ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang kapusin sa pananalapi ang amang si Tales
Siya rin ang nagbalita kay Juli tungkol sa pagkakulong ni Basilio
Hermana Penchang
Isang masimbahing manang. Naging panginoon ni Juli
Mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad-pinarurusahan daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil makasalanan
Takot siya sa mga prayle kaya ayaw tumulong sa inaakala niyang kalaban ng mga ito