Sa Timog-Silangang Asya sinasabing ang musika, sayaw, at dulaan ay may malaking ugnayan sa isa't isa. Madalas na pinagsasama-sam ang musika, sayaw, at dulaan upang makapaglahad ng isang kwento batay sa mito at maksaysayang pangyayari. Ang klasikal na sayaw rito ay isinasagawa para sa relihiyosong pagdiriwang at gayundin bilang isang libangan. Kung ihahambing sa mga Kanluranin mananayaw, ang pagkilos ay mahinhin at maliliit na hakbang lamang na nagpapahiwatig ng iba't ibag kahulugan at kaisipan